Chartlotte “May taxi na, sumakay ka na,” tulak ko pa si Prince sa balikat at gusto pa magpaalam kay Alexaiver. Napakamot na lang ako sa buhok ko dahil babalikan talaga nito si Alexaiver, na pinanonood lang kami ilang hakbang lang ang layo sa ‘min. Isa na lang masasabunutan ko talaga ang bayot na ito nagpapa cute pa kay Alexaiver. “Ang damot mo naman. Magpapaalam pa ako kay boss Alexaiver,” tugon nito at nilapitan nga talaga ang naiinis na si Alexaiver. “Boss! Ingatan mo si Chartlotte, ha? Dahil kaibigan ako ni Chartlotte. Friends?” wika nito inilahad ang kamay kay Alexaiver. Sus kung hindi pa siguro nagpipigil si Prince, gustong tumili dahil hinawakan tinanggap ni Alexaiver ang kamay niya. “I don't do anything to her sinisiguro ko iyan,” seryoso sagot ni Alexaiver sa kaniya. “Good! Bestfriend ko iyan ayaw ko ng nasasaktan,” saad ni Prince. Humalukipkip ako Inirapan sila ni Alexaiver. Paano may sagutan pa ng masang titig para bang nagpapaligsahan sino sa kanila unang susuko.
Last Updated : 2025-08-11 Read more