Chartlotte“Anong name mo?” tanong ko sa bunso ni ate Dane. Tapos na kasi ako kumain. Pinanonood ko ito sa ginagawa n'yang assignment. Kinurot ko ang pisngi niya. Ngumiti ito ang cute ng batang ito chubby.“Hermany po, ate Chartlotte,” tugon niya.Tapos na si ate Dane magligpit. Tumayo sa tabi ni Hermany. Patapos na rin si Hermany sa ginagawa iisa na lang hindi pa nalagyan ng kulay.“Ate Dane matagal na po kayo rito kay Alexaiver?” naisip ko itanong kasi kung katiwala sila ni kuya Luigi. Edi, malapit sila kay Alexaiver. “Malapit lang po school nila rito?” dugtong ko tanong sa kaniya.“Lahat sila nasa elementary pa lang sa private school nag-aaral tuition fee nila si boss Alexaiver ang nagbabayad,” proud na sabi ni ate Dane sa akin.“Mabait po kasi kayo kaya mabait din amo n'yo,” tugon ko.“Lahat silang magkapatid mababait. Kahit mga magulang nila boss mabait sila, ma'am Chartlotte,” halata sa boses ni ate Dane tamang amo ang nakita nila.“Kaya bilang pasasalamat buong katapatan namin
Last Updated : 2025-08-04 Read more