Chartlotte Nang makarating kami ni Naomi sa office. Tumawag muna ako sa ate Milagros, bago magtrabaho para kumustahin si Inay. Siya ang kamag-anak ni ate Hilda, na kinuha ko kasama ni aling Pilapil. Two days na siyang nag-start na magbantay kay Inay, masipag din mag-update sa akin. Though updated ako sa kalagayan ni Inay dahil lagi akong in-update ng bestfriend kong si Prince. Ngayon hind ko lang matawagan si Prince dahil nasa school na ito kapag ganitong oras. “Chartlotte, okay lang si Aling Lian at masigla na,” “Talaga po ate?” natutuwa ako malapit na makalabas si Inay sa ospital. Kapag ganitong maliksi na siyang kumilos. Mabilis na s'yang pauuwiin ni dok Falmer. “Uuwi po ako mamaya ate Milagros ‘wag kang maingay sa Inay ha? Secret lang natin,” saad ko. Parang gusto rin ni ate Milagros ang idea ko. Masayang sumangayon mas masaya raw iyon. Ganado akong nagtrabaho dahil sa balita kay Inay. Kaya hindi ko namalayan lunchtime na nasa harapan pa ako ng computer may ini-encod
Last Updated : 2025-08-08 Read more