Jhonalyn's Point of View NANG makababa ako, may masayang ngiti sa labi ko nang umakbay si Damon matapos makalapit sa akin. "Never run again, Baby. It makes me nervous when you run away from me. Baka madapa ka, hindi kita masasalo kung malayo ako," saad niya. Palagi siyang nag-aalala sa kalagayan ko. Pero maingat naman akong tumakbo dahil sinigurado kong makakalayo ako bago siya sumunod. Tama nga, kasi alam niyang mas mabilis siyang tatakbo kung lalapitan niya ako. Binigyan niya ako ng headstart para hindi ako masyadong mabilis tumakbo. Kahit na alam niyang maingat ako sa bawat galaw ko, ganoon pa rin ang ginagawa ko. Gumuhit ang malawak na ngisi sa labi ko. "Panty ko nga, nasalo mo! Ako pa kaya at ng anak mo?" Kindat ko at humalakhak nang makita kung paano pinipigilan ni Damon ang ngisi niya. "Uy, ngiti na!" Umiling siya. "Panty catcher," bulong ko. Hinila niya ako sa baywang. "Heart fucking catcher," sabi niya, kaya mahina akong natawa. "Okay, billionaire. You caught m
Huling Na-update : 2025-11-17 Magbasa pa