Walter's Point of View Napatakbo na ako palapit kay Samantha. Kaagad ko siyang niyakap nang napakahigpit, bago tanggalin ang tape sa kaniyang bibig. Inayos ko ang nagulo niyang buhok, bago ako napahawak sa kaniyang magkabilang pisngi, pinupunasan ang kaniyang mga luha. “My wife, I'm finally here,” saad ko sa kaniya at hinalikan siya sa labi. Kagyat lang iyon dahil may mas importanteng bagay pa na dapat pagtuonan ng pansin. “You're safe now.” “W-Walter,” tawag niya sa aking pangalan. Hindi na nakakatampo kahit tawagin niya lang ako sa aking pangalan. It felt like I longed to be called by her. Napatingin ako sa bomba. Hawak ko na ang kutsilyo, pero hindi ko alam kung aling wire ang puputulin—kung ilan ang kailangang putulin. “My wife, I really don't know how to detonate a bomb,” saad ko sa kaniya. “A single mistake, then we're both going to die.” “I trust you, Walter,” wika naman niya. “Kahit alin ang putulin mo, hindi ako magrereklamo. Ano man ang mangyari, walang pagsisisi dahil 
 Last Updated : 2025-10-14
Last Updated : 2025-10-14