Samantha's Point of View Kanina pa ako nakangiti, pero mas lumapad ang ngiti ko nang ilapag ko sa mesa ang cupcake pan. Ito ang pangalawang batch ng cupcakes na ginawa ko at chocolate flavor ito. Ang naunang batch ay strawberry at nalagyan ko na rin iyon ng icing. Nasa refrigerator na ang mga iyon ngayon. Noong mga nakaraang araw, sa oras na makarating kami sa bahay pagkatapos ng trabaho, kaagad akong nagpa-practice sa pag-bake ng cupcake. Siyempre, nakaalalay palagi si Walter para turuan ako. Kahapon nga ay nagdala ako sa office at ipinamigay iyon. Sa tingin ko ay masarap naman ang nabe-bake ko dahil nagustuhan nila iyon. Ngayon naman, ang mga na-bake kong cupcakes ay ang magsisilbi naming pasalubong ni Walter sa pamilya niya. Kaninang umaga lang kami pumasok para may oras pa akong mag-bake, magluto ng ulam, at makapaghanda. Siyempre, hindi dapat ako magmukhang haggard. “Wow, ang ganda ng pagkakalagay ng icing,” nakangiting sabi ni Walter. Napanganga ako at nagtama ang kilay. May 
 Last Updated : 2025-10-20
Last Updated : 2025-10-20