Samantha's Point of ViewNatapos na ang ceremony at nagsimula na ring magsialisan ang iilang tao dito sa bleachers para makapagpa-picture sa kapamilya o kaibigan nilang nagtapos. Kaagad akong napahawak sa kamay ni Walter at tumayo habang nakangiti. Kahit na halos magpang-abot na sa aking tainga ang aking ngiti, ramdam ko pa rin ang pamamasa ng aking mga mata. Nakakaiyak ang tuwa na nadarama ko ngayon.Napatayo na rin si Walter, ngunit nang humakbang ako habang hila ang kamay niya, hindi siya gumalaw. Kaagad na kumunot ang aking noo, nagtataka.“Bakit? Pumwesto na tayo roon,” saad ko, ngunit napailing siya.“Mauna ka na muna,” sagot nito. Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat para pakalmahin ako. “I have something to check in my car.”Napabuntong-hininga ako.“Puwede namang mamaya mo na lang iyon i-check,” saad ko naman. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinisil iyon.“It's important, my wife,” saad naman nito. Sa tono rin ng pananalita niya, paran
Last Updated : 2025-10-03 Read more