Samantha's Point of View Ito ang una sa tatlong araw naming shoot. Tatlong araw talaga ang kakailanganin dahil paiba-iba kami ng venue at paiba-iba rin ng suot. Sa tulong ng approval ni Conrad, nandito kami ngayon sa Sirak Wines. Ito ang unang beses na nakabalik kami rito mula no'ng legacy and welcome party. Para sa first scene namin, dito namin napili dahil dito rin naman nagsimula ang lahat. We draw inspiration from how our love story started. Honestly, nang basahin ko ang script, napapangiti na lang talaga. Kahit na hindi ang actual na nangyari sa amin ang isho-shoot, bumabalik sa akin lahat. Ang pagsusungit ni Walter, ang nakakainis niyang pag-uugali, at hanggang sa unti-unting magbago ang pakikitungo niya sa amin. “Remember, elevator scene. Bago iyon magbukas, cut! Tapos, next angle then continue tayo,” paalala ng videographer. “In the count of three.” Nagbilang na nga siya. Hinanda ko na ang sarili ko, lalo na ang kape na hawak ko. Nakasuot ako ng puting blouse at medyo fitte
 Last Updated : 2025-10-25
Last Updated : 2025-10-25