THREE MONTHS LATER Samantha's Point of View Napahilamos ako ng aking mukha at kaagad na tiningnan ang aking repleksyon kung bakas ba roon ang aking pagod at stress. Halos buong buwan kaming abala para sa ‘Annual Wine and Spirits Trade Fair 2022’ event next week. Sa katunayan, masakit na ang paa ko kapupunta sa iba't ibang department ng building. Ang mga mata ko naman ay parang pumipintig-pintig dahil babad na babad ito sa screen ng aking cellphone, tablet, at laptop. Wala akong puwedeng palampasin na update dahil napakaimportante ng event na pinaghahandaan namin. Ito ang unang beses na dadalo ako sa ganitong event kung kaya'y halos mangapa ako sa responsibilidad na nakaatang sa akin. “Ayos ka lang, Miss Sam?” tanong ni Blaire sa akin, ang logistics associate. “Yeah, I'm good,” saad ko at pinunasan ko na ang aking mukha para patuyuin iyon. Napakabilis ng panahon at tatlong buwan na ang lumipas simula no'ng um-attend ako ng birthday party ni Valerie. Ibig sabihin, tatlong buwan
Last Updated : 2025-09-02 Read more