Samantha's Point of View Nagkasalubong kami ni tatay nang lumabas ako ng aking kuwarto. Pilit akong ngumiti nang mangunot ang noo nito habang mabusisi nitong tinitingnan ang suot ko. Wala namang espeyal o wow factor sa suot ko. Isang A-line yellow dress na may puff sleeves at binagayan ko iyon ng gintong kuwintas. Isa ang kuwintas na ito sa binili ni Walter sa akin maliban sa ruby necklace na siyang ginamit ko sa wedding anniversary celebration ng magulang niya. “Kaya pala hindi ka kumain kanina,” komento nito, napapatango pa. “Sino ang kasama mo?” Mahina akong napatikhim. “Si . . . Sir Walter, ‘Tay.” Wala itong reaksyon nang sambitin ko ang pangalan ni Walter. Mayamaya pa, pareho kaming napasulyap sa labas nang marinig ang papahintong sasakyan. “Mauna na ako, ‘Tay. Baka pumasok pa 'yon dito,” wika ko naman at natawa pa. Nanatili lang seryoso ang mukha ni tatay. “Sige, mag-ingat kayo, ha? Sabihan mo si Erwin kung pauwi ka na mamaya para hindi ako mag-aalala.” Si Erwin naman na
Last Updated : 2025-08-26 Read more