Samantha's Point of View “Fuck!” dinig kong mura ni Walter nang malaman at makita nitong si JSG nga iyon. It's a small world, after all. After niyang mag-decline sa offer ng Sirak Wines dahil may nakauna nang lumapit sa kaniya, sa trade fair na ito pa talaga namin siya makikita. Hindi sa billboard, magazine, o hindi kaya ay television advertisement. “Ay! Si JSG!” malakas na tili ng isa sa mga empleyado. Hindi ko rin siya masisisi dahil kahit ako ay kinikilig din. Ang guwapo-guwapo niya sa personal. Siya 'yong tipo ng lalaki na parang palaging oras-oras maligo dahil kapag amuyin mo, ang bango-bango. “Baka gusto mo ring pumunta roon,” inis saad sa akin ni Walter. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya, nakatiim-bagang siya at nagtatagpo ang kilay habang nakatingin sa booth na nasa harapan namin. “Hindi 'no,” giit ko naman kahit na ang totoo ay gusto kong lumapit doon para picture-an siya. Or baka puwede ring makapagpa-picture kaming dalawa. “Your reaction says otherwise,” seryoson
Last Updated : 2025-09-04 Read more