Samantha's Point of View Pagkatapos makauwi ni Walter, pareho akong tinitigan ni tatay at Erwin—makahulugan at puno ng pag-uusisa. “Huwag niyo nga akong titigan nang ganiyan,” saway ko sa kanila. “Boss ko siya, okay?” “Boss lang?” tanong naman ni Erwin sa akin. “Ate, may kaagaw na ba si Kuya Jefferson? Team Jefferson ako. Ikaw ba, ‘Tay?” Napatingin sa itaas si tatay na para bang nag-iisip ito. “Parang Team —” “Tumigil kayo, please,” muli kong saad at napabuntong hininga. “Walang namamagitan sa amin ng kahit na sino sa dalawa.” Napainom si tatay sa kaniyang kape. “Pero anak, ang bait naman pala ng boss mo. Sabi mo ang sungit-sungit no'n.” Napailing na lang ako. Naikukuwento ko rin kay tatay na madalas akong naiinis kay Walter dahil sa ugaling mayroong ito. Pero dahil sa ipinakita nito kanina, nakapagtataka talaga. “Bait-baitan lang 'yon, ‘Tay,” katuwiran ko naman. “Baka nga pagpasok ko mamaya, sabihin sa akin na pangit ang ating bahay.” Umirap ako at tumawa. “Ako, ate, malakas
Last Updated : 2025-08-23 Read more