Share

Chapter 2

Author: Raw Ra Quinn
last update Huling Na-update: 2025-07-27 17:52:26

Bella's POV

ABALA ang lahat sa bahay nila dahil ngayon daw mamanhikan ang mga Villasis. Ang pamilya ng mapapangasawa niya.

Napatingin siya sa pinto nang may mahinang kumatok doon. Bumukas ang pinto at iniluwa ang Mommy Amanda niya. Nakangiti ito sa kanya pero malungkot ang mga mata.

"Hijabakit hindi ka pa nag-aayos?" tanong nito saka tumabi sa kanyang maupo sa gilid ng kama at ginagap ang palad niya.

Hindi siya kumibo. Iniiwas niya lang ang tingin niya rito. Gusto niyang sumbatan ito kung bakit nagawa ng mga itong ipagkasundo siya sa lalaking hindi naman niya kilala, pero pinigilan niya ang sarili. Mahal niya ang mga ito kahit hindi ito ang tunay niyang mga magulang.

Kinupkop siya ng mag-asawa, inaruga, binihisan at pinag-aral nang mapulot siya ng mga ito sa lansangan na halos naghihingalo na. Itinuring siyang parang sariling anak. Kaya kahit labag sa kalooban niya ay pumayag siya sa hiling ng mga ito, dito man lang ay makaganti siya ng utang na loob sa kabutihan na ibinigay ng mga ito sa kanya.

"Hinihintay ko lang po si Kiray para tulungan akong mag-ayos." Tukoy niya sa isa sa mga katulong nila.

"Ganu'n ba..." Tumikhim ito bago pinihit siyang humarap dito. "Patawarin mo ako, anak... H-hindi ko nagawang

tumutol sa kagustuhan ng daddy Raul mo," malungkot na sabi nito. Naiintindihan niya naman ito. kahit kailan ay hindi niya pa ito nakitang kumontra sa asawa lagi na lang na sumusunod ito sa anumang ipag-utos ng kabiyak.

Napabuntong-hininga siya saka pinisil ang palad nito "Nauunawaan ko naman po ang sitwasyon, mom." Pinahid nya ang luha sa pisngi nito "Mahal ko kayo ni dad at nagpapasalamat ako dahil

kinupkop

ninyo ako kahit hindi niyo ako kadugo."

"Don't say that. Kahit hindi man ako ang nagluwal sa 'yo, anak kita at mahal na mahal kita, bella. Kami ng daddy mo, mahal na mahal ka namin." Niyakap siya nito kaya ginantihan niya rin ng yakap.

Humiwalay ito sa kanya at pinahid ang mga luha niya.

"Ako na lang ang magaayos sayo, hmm?" malambing na sabi nito saka hinila sya patayo at pinaupo sa malapit na dresser saka inumpisahang ayusan siya.

Nauunawaan naman niya kung bakit kailangan siyang ipakasal ng mga ito. Nais ng daddy niya na tumakbo sa mas mataas na posisyon at kakailanganin nito ng suporta. Napakalaking tulong ng mga Villasis sa kampanya ng kanyang daddy dahil maimpluwensya sa kanilang lalawigan ang pamilya ng mga ito, at marami ring mga koneksyon na kilala rin sa lipunan kaya ang pagpapakasal niya sa anak ng mga Villasis ay ang paraan para pumayag ang mga ito na suportahan ang daddy niya. At dahil doon, masisiguro ang pagka-panalo ng daddy niya.

Nang matapos siyang ayusan ng Mommy niya tinignan niya ang sarili sa salamin, manipis lang ang make-up na nilagay nito sa kanya at itinali ang buhok niya sa likod, may ilang hibla sa patilya niya ang hinayaang nakakalat. Isang sleeveless turtle neck dress na hapit sa kanya at umabot lamang sa gitnang hita niya na kulay pula ang pinasuot nito sa kanya na pinarisan ng itim na high heel 3 inches steletto.

Medyo naiilang siya sa ayos niya dahil hindi siya sanay sa ganoon. Mas komportable sya sa t-shirt at jeans na laging get-up niya.

hinila na siya nito pababa sa hagdan. Tahimik na lamang siyang sumunod rito.

Nakasalubong pa nila sa hagdan si kiray na nagmamadali.

"Naku, Madam, nandyan na ho ang mga bisita," imporma nito. Tinanguan lamang ito ni Amanda at dumeretso na sa pagbaba.

Naabutan nila sa living room ang kanyang Daddy Raul habang kausap ang ang mga bisita. Isang babae na sa tingin niya'y kaidad lamang ng mommy niya. Maganda ito, maamo ang mukha pati ang hubog ng katawan nito ay maganda rin, daig pa ata siya. Katabi nito ang isang matipunong lalaki na may edad na pero bakas sa tindig nito ang awtoridad.

Bumati siya sa mga ito at nagpakilala.

"Where's Nicklaus?" tanong bigla ng Mommy niya.

"May kinuha lang sa kotse - Oh, there he is. Nicklaus, come here, hijo," sabi naman Mrs. Villasis na nakatingin sa lalaking pumasok sa pinto nila.

Matangkad ito, siguro'y nasa anim na talampakan, nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya kaya nagsalubong ang mga may kakapalan na kilay nito, maganda ang mga mata nito na akala mo ay laging nakangiti, matangos ang ilong at maganda ang mga labi na parang laging nang-aakit saka... saka.. saka parang kilala niya ito? I think I saw him somewhere? Nang makalapit na ito sa kanila at mas lalong natitigan may bigla siyang naalala, yung lalaki sa elavator parang kamukha niya.

No! Hindi niya lang kamukha dahil siya talaga yan!

Pinilit niyang itago ang pagkagulat at pinakalma ang sarili dahil nag-uumpisa na namang mag-init ang ulo niya. Ito yung manyak na nang molestya sa kanya sa elevator ng minsang maghatid siya ng package sa ortigas.

Ang pagkunot ng noo nito ay unti-unting nawala. Nakita niya sa mata nito ang rekognisyon, amusement at galit? Galit ito sa kanya? Pero di ba dapat siya ang magalit dito dahil sa nangyari!

"Bella, this is my son, Nicklaus Royce Villasis. Nicklaus, this is Bella, Bella Sta Ana, your future wife," pakilala pa ni Mrs Villasis sa kanilang dalawa.

Blangko ang ekspresyon na nilahad niya ang kamay rito. Ngunit imbis na kamayan ay dinala nito sa mga labi ang likod ng palad niya at... at dinilaan ng h*******k! nanlalaki ang mga mata na binawi niya ang kamay. Tumingin siya sa mga kasama nila kung napansin iyon pero mukhang hindi naman. Nang balingan niya ito ay nginisian lang siya at baliwalang lumapit sa mga magulang niya para bumati. Naniningkit ang mga matang sinundan niya ito ng tingin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: NICKLAUS   Epilogue

    HINDI NIYA mapigilang mapaiyak habang nakatingin sa babaeng nag lalakad papalapit sa kanya sa harap ng altar.Tinapik tapik siya ni Gringo sa balikat. Ito ang tumayong bestman niya.Napakaganda ni Bella sa wedding gown na suot nito. Nasa tabi nito si Gordon na siyang umaakay kay Bella papalapit sa kinaroroonan niya.This is their second wedding. The real one. Nag decide silang mag pakasal uli. Gusto niya itong pakasalan bilang si Arabella De Luca at gusto niyang kasama sa kasal nila ang mga taong tunay na malalapit dito. Hindi kagaya nung unang kasal nila na halos hindi naman nito kilala ang mga dumalo.Gusto niyang ikasal sila ng totoo. Walang sikreto at walang pag kukunwari.

  • WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: NICKLAUS   Chapter 52

    NicklausPOVNagising sya mula sa maliliit na halik na pumapatak sa mukha nya. Pinilit nyang minulat ang mga mata pero agad din napapikit dahil sa biglang pag sakit ng ulo nya kaya sinubsob nya uli ang ulo sa unan.'Dejavu'Feeling niya parang nangyari na sa kanya ang ganito."Gising na.." Malambing na bulong sa kanya ng pamilyar na Bose's ng BabaeUnti unti niyang iminulat ang mata. Nasilaw siya sa liwanag na namulatan niya kaya napapikit siya. Kumurap kurap siya hanggang sa masanay sa liwanag ang mga mata. Unang nakita niya ay

  • WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: NICKLAUS   Chapter 51

    Katharina'sPOVMABILIS ang mga naging pag kilos niya. Kinapkapan niya agad ang walang malay na si Vaughn. Kailangan niyang mag madali kung gusto niyang maitakas ang kapatid at ang asawa nito.Nilapitan niya ang nag tatakang kapatid. Mabilis niyang tinanggal ang lock na nasa kamay nito."Patay na ba siya?" Tanong ni Arabella ng makakawala ito sa pag kakagapos"No" tiim bagang na sabi niya "pinisil ko lang ang ugat niya sa batok para mawalan siya ng malay. Kailangan na nating makaalis dito"Nilapitan niya si Vaughn at hinubad ang soot na tshirt nito saka ibinigay sa kapatid niya.

  • WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: NICKLAUS   Chapter 50

    Bella's POV"Speak" utos nito sa kanya"The code exchanges to my sister's freedom" deretso ang tingin na sabi niya ditoNatigilan ito. Pero saglit lang. Ngumisi ito sa kanya ng nakakaloko "Undress her!" Utos nito sa mga tauhan nito."No!" Sigaw ng kapatid niya na mahigpit na pinigilan ni Vaughn sa mag kabilang braso para hindi makalapit sa akin "No! Dont touch her!"Lumapit sa kanya ang isang lalaking malaki ang pag kakangisiNginisian niya rin ito.Pinunit nito ang dress niya hanggang sa malantad ang dibdib niya

  • WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: NICKLAUS   Chapter 49

    Bella's POVSA ENTRANCE PALANG ng hotel ay marami ng press people ang nag kalat. Nakaabang sa mga dumadating na pulos mga kilalang negosyante sa bansa, artista at mga fashion designerPag dating sa bulwagan ay nalula siya sa dami ng mga sikat at kilalang tao ang nasa loob. Sa gitna ay may cat walk at sa paligid ay mga lamesa. Hinila siya ni Nicklaus papalait sa isang lamesa na may mga lalaking nakaupo ng makalapit sila ay nakilala niya ang mga ito. Ang mga kaibigan ng asawa niya"Wow you look stunningly beautiful Bella!" Exagged na sabi ni Travis na bumitaw sa pag kaka akbay sa katabi nitong magandang babae at bukas ang mga braso na lalapitan siya. Akma itong yayakap sa kanya ng itago siya ni Nicklaus sa likuran nito at ito ang nakipag yakapan s

  • WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: NICKLAUS   Chapter 48

    Bella'sPOVTumayo si Gordon at nilapitan ang isang bookshelf itinulak nito ang isang libro pag katapos ay nahati ang bookshelf para itong pinto ng elevator na nag bukas. Sa lilpd niyon ay may vault na nakadikit sa pader. Pinindot nito ang combination pag katapos ay may narinig siyang 'click' . bumukas ang vault. Kinuha ni Gordon ang isang files doon. Muli nitong isinara ang vault at bumalik ito sa upuan nito dala ang files .Napatingin siya dito ng iabot nito sa kanya ang files"What's that?" Tanong niya dito" Why not look at it and find out?" Iniumang uli nito ang files sa kanya.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status