Bella's POV
Kumatok muna si Bella ng tatlong beses bago marahang binuksan ang pintuan ng study room ng kanyang ama. Tahimik ang buong bahay, tila ba pati mga dingding ay marunong magbasa ng tensyon sa pagitan nilang mag-ama.
Kanina pa siya nagtataka kung bakit siya pinatawag nito agad pagkauwi mula sa eskwelahan. Karaniwan ay kinakausap lang siya tuwing may kailangang iutos — at madalas, hindi iyon simpleng favor.
“Dad…” mahinang tawag niya habang sumilip sa loob.
Nakita niya ang kanyang ama, nakayuko sa binabasang papeles, seryoso ang mukha, kunot ang noo. Matapos ang ilang segundo, nag-angat ito ng tingin at bahagyang ngumiti, pero hindi iyon abot hanggang mata — pamilyar na peke, tulad ng mga nakasanayan niyang ngiti nito.
“Sit down, Bella.” Mahinahon pero may awtoridad ang boses nito habang tinuturo ang upuang kaharap ng study table.
Imbes na sumunod, umikot si Bella at naupo sa sofa sa sulok ng silid. Mas gusto niya ang distansya. Mula roon, mas malaya niyang masusuri ang bawat kilos ng ama.
Pinagmasdan niya ito. Sa kabila ng edad nitong halos nasa late fifties, matikas pa rin ang tindig. Ngunit hindi na maitatanggi ang paglalim ng guhit sa pagitan ng mga kilay, ang pagkabawas ng buhok sa noo, at ang mangilan-ngilang puting hiblang tumatakas mula sa itim nitong buhok. Palatandaan ng mga taon ng lihim, kasinungalingan, at kapangyarihang isinusumpa ni Bella pero hindi matakasan.
“May ipag-uutos po ba kayo?” malamig niyang tanong, kahit alam na niya ang sagot.
Lumingon ang ama, ang ngiti ay tuluyang nawala. Tumayo ito at lumapit sa filing cabinet sa kaliwang bahagi ng study room. Tahimik si Bella, ngunit binabantayan ang bawat hakbang. May kinuha itong envelope — kulay itim, makapal, halatang hindi ordinaryo.
Pagbalik nito ay naupo ito sa single sofa sa tapat niya. Sa pagkakaupo nito, naramdaman ni Bella ang pagbabago ng hangin — tila mas bumigat ang paligid.
“I want you to deliver this,” maikling sabi nito sabay abot ng envelope.
Kinuha niya iyon nang walang imik at binuksan. Sa loob ay may mas maliit na pulang envelope, kasing laki ng notebook, kasama ang isang puting papel na may nakasulat na address. Malinis ang sulat, walang pangalan, walang ibang detalye.
'As usual… lihim nanaman,' bulong niya sa sarili.
Sinara niya ang envelope at hinarap muli ang ama. “May update na po ba sa pinapahanap ko, Dad?”
Blangko ang ekspresyon niya, pero sa loob, kumakabog ang puso niya. Matagal na niyang hinihintay ang sagot — matagal na siyang nagtitiis, sumusunod, umaasang tutuparin ng ama ang kanyang pangako.
Tumikhim muna ito. “Wala pa,” sagot nito.
Pero hindi iyon ang mahalaga — kundi ang paraan ng pagkakasabi. Halatang nag-alinlangan. Nag-iwas ng tingin. Nakita niya kung paano gumalaw ang mga mata nito — mabilis, mailap, para bang may gustong takasan.
Agad na tumindig ang kutob ni Bella. May alam na siya… at ayaw niyang sabihin sa’kin.
Napakuyom siya ng mga kamay, pilit pinipigil ang pag-angat ng emosyon. Galit. Inis. Pagod. Lahat iyon ay parang apoy na pilit niyang ikinukubli sa malamig na panlabas na anyo.
Alam niyang may itinatago ang ama. Ilang beses na rin siyang ginamit nito — bilang mensahera, tagapagmanman, at tagatanggap ng utos. At sa bawat pabor na tinatanggap niya, kapalit niyon ay ang panibagong pangakong ibinubulong ng ama sa kanyang tenga — na matatagpuan na nila ang taong hinahanap niya.
Na matutupad din ang dahilan kung bakit siya nananatiling sunud-sunuran sa lalaking ito.
Ngunit sa bawat araw na lumilipas, mas lalo siyang nakakaramdam ng panlalamig. Pati ang pangakong iyon, tila isa na lang kathang-isip na ginamit para itali siya.
Hindi siya tanga. Alam niya kung kailan siya pinapaikot.
Pero alam din niya kung kailan siya dapat maghintay.
Hindi pa ngayon ang oras niya — pero darating din iyon. At kapag dumating na… siya naman ang mag-uutos.
Tumayo siya, marahan ngunit may bigat ang kilos. Tumitig siya sa ama — walang ngiti, walang emosyon.
“Lalakad na po ako,” malamig niyang paalam, saka tuluyang lumabas ng silid.
Sa bawat hakbang niya palayo, ay tila may nabubuong pangako sa loob niya — isang pangakong sa oras na mabuo niya ang katotohanan, hindi na siya babalik bilang alipin ng ama... kundi bilang multong babalikan siya ng lahat ng kasalanan nito.
HINDI NIYA mapigilang mapaiyak habang nakatingin sa babaeng nag lalakad papalapit sa kanya sa harap ng altar.Tinapik tapik siya ni Gringo sa balikat. Ito ang tumayong bestman niya.Napakaganda ni Bella sa wedding gown na suot nito. Nasa tabi nito si Gordon na siyang umaakay kay Bella papalapit sa kinaroroonan niya.This is their second wedding. The real one. Nag decide silang mag pakasal uli. Gusto niya itong pakasalan bilang si Arabella De Luca at gusto niyang kasama sa kasal nila ang mga taong tunay na malalapit dito. Hindi kagaya nung unang kasal nila na halos hindi naman nito kilala ang mga dumalo.Gusto niyang ikasal sila ng totoo. Walang sikreto at walang pag kukunwari.
NicklausPOVNagising sya mula sa maliliit na halik na pumapatak sa mukha nya. Pinilit nyang minulat ang mga mata pero agad din napapikit dahil sa biglang pag sakit ng ulo nya kaya sinubsob nya uli ang ulo sa unan.'Dejavu'Feeling niya parang nangyari na sa kanya ang ganito."Gising na.." Malambing na bulong sa kanya ng pamilyar na Bose's ng BabaeUnti unti niyang iminulat ang mata. Nasilaw siya sa liwanag na namulatan niya kaya napapikit siya. Kumurap kurap siya hanggang sa masanay sa liwanag ang mga mata. Unang nakita niya ay
Katharina'sPOVMABILIS ang mga naging pag kilos niya. Kinapkapan niya agad ang walang malay na si Vaughn. Kailangan niyang mag madali kung gusto niyang maitakas ang kapatid at ang asawa nito.Nilapitan niya ang nag tatakang kapatid. Mabilis niyang tinanggal ang lock na nasa kamay nito."Patay na ba siya?" Tanong ni Arabella ng makakawala ito sa pag kakagapos"No" tiim bagang na sabi niya "pinisil ko lang ang ugat niya sa batok para mawalan siya ng malay. Kailangan na nating makaalis dito"Nilapitan niya si Vaughn at hinubad ang soot na tshirt nito saka ibinigay sa kapatid niya.
Bella's POV"Speak" utos nito sa kanya"The code exchanges to my sister's freedom" deretso ang tingin na sabi niya ditoNatigilan ito. Pero saglit lang. Ngumisi ito sa kanya ng nakakaloko "Undress her!" Utos nito sa mga tauhan nito."No!" Sigaw ng kapatid niya na mahigpit na pinigilan ni Vaughn sa mag kabilang braso para hindi makalapit sa akin "No! Dont touch her!"Lumapit sa kanya ang isang lalaking malaki ang pag kakangisiNginisian niya rin ito.Pinunit nito ang dress niya hanggang sa malantad ang dibdib niya
Bella's POVSA ENTRANCE PALANG ng hotel ay marami ng press people ang nag kalat. Nakaabang sa mga dumadating na pulos mga kilalang negosyante sa bansa, artista at mga fashion designerPag dating sa bulwagan ay nalula siya sa dami ng mga sikat at kilalang tao ang nasa loob. Sa gitna ay may cat walk at sa paligid ay mga lamesa. Hinila siya ni Nicklaus papalait sa isang lamesa na may mga lalaking nakaupo ng makalapit sila ay nakilala niya ang mga ito. Ang mga kaibigan ng asawa niya"Wow you look stunningly beautiful Bella!" Exagged na sabi ni Travis na bumitaw sa pag kaka akbay sa katabi nitong magandang babae at bukas ang mga braso na lalapitan siya. Akma itong yayakap sa kanya ng itago siya ni Nicklaus sa likuran nito at ito ang nakipag yakapan s
Bella'sPOVTumayo si Gordon at nilapitan ang isang bookshelf itinulak nito ang isang libro pag katapos ay nahati ang bookshelf para itong pinto ng elevator na nag bukas. Sa lilpd niyon ay may vault na nakadikit sa pader. Pinindot nito ang combination pag katapos ay may narinig siyang 'click' . bumukas ang vault. Kinuha ni Gordon ang isang files doon. Muli nitong isinara ang vault at bumalik ito sa upuan nito dala ang files .Napatingin siya dito ng iabot nito sa kanya ang files"What's that?" Tanong niya dito" Why not look at it and find out?" Iniumang uli nito ang files sa kanya.