Hindi ko alam anong nangyari sa office paglayas ko. Tinatawagan ako ni Erin, Mhai at Vaughn pero hindi ko sila sinasagot.Nagpahatid ako sa apartment at hindi sa bahay ni Escalante. Alam ko kasing uuwi doon ang onggoy.Pero bago ako umuwi, bumili muna ako ng isang tub ng ice cream. At ngayon ay kinakain ko na siya.Naisip ko yung nangyari kanina. Parang ang OA ko yata? Sabi ko sa sarili ko.Pero kasi, hindi ko talaga mapigilan. Yung emotion ko, nagpapasikat. Ano namang espesyal sa onggoy na yun para iyakan ko?Vida, nakakahiya… Talagang umiyak ka pa.Sa sama ng loob ko, kumain ulit ako ng isang kutsara ng ice cream kaya muntik ko ng mailuwa dahil nangilo ang ngipin ko.Itong pagbubuntis kong ito, gustong-gusto talaga ng onggoy. May gabi pang nagigising ako na lagi niyang hinahaIikan ang tiyan ko at kinakausap ang baby namin na para namang sasagutin siya.Rinig ko pang sinasabi niyang salamat daw. Salamat na ano? Na siya ang pinaglilihian ko?Napahawak ako sa tiyan ko.“Baby, nakikinig
Last Updated : 2025-09-30 Read more