[Merida, t-tuloy pa naman ang kasal niyo ni Marky, right? Siya pa naman ang mahal mo hindi ba?]Iyan ang tanong ni Toneth sakin sa text niya. Hindi ko pinansin ang text niya kanina kahit na nabasa ko at piniling kumain habang nakikipag-usap kay Escalante at sir Dane.Mukhang tama si Escalante sa sinabi niya. Magiging mental torture kay Toneth oras mapansin niyang may namamagitan sa amin.Ngayon, sa nakikita ko baka nga ay hindi niya talaga mahal si Marky. Talagang ginamit niya lang ito para saktan ako kasi kung mahal niyo ito, hindi niya ipagtutulakan si Marky sakin… Hindi niya ito gagamitin bagkos baka ay ipagdamot niya pa ito.Natawa ako habang kumakain. Hindi ko aakalaing ito ang nararamdaman ng mga taong gumagawa ng problema sa buhay ng ibang tao.Hindi ko masasabing ako ang tama, dahil kahit saang anggulo tignan mali pa rin naman ang paraan ko. It’s just that, tao lang ako, gumaganti rin.Matapos naming kumain, lumapit si Toneth sakin. Mukhang hindi na nga siya nakapagpigil.“Vida
Terakhir Diperbarui : 2025-09-08 Baca selengkapnya