Nagrecite ng script. haha
“Bakit ka nandito?” tanong ko habang nanlalaki ang mga mata.“Because my wife is here.”Napalunok ako. Mukhang hindi matatapos ang gabi na hindi niya maulit-ulit ang salitang yan.“Paano ang mga kaibigan mo?”“I don’t care about them. My wife is here.”Nagsisimula ng uminit ang pisngi ko. Hindi na nga lang ako magtatanong at mukhang wala naman siyang plano na sagutin ako ng maayos.Agad na may naglinis sa table namin habang si Escalante ay nakatitig lang sakin the whole time. Pinabayaan ko nalang.Pagkatapos malinisan ng waiter ang table namin, si Escalante na rin ang nagsabi na kakainin namin ngayong gabi.Naisipin kong lingunin ang tatlo na nanlaki ang mata at sabay nagsibabaan ng cellphone nila.“Kinukuhanan ba nila tayo ng litrato?” tanong ko.“No.” Sagot niya. “Kinukuhanan nila tayo ng video mula pa kanina.”Agad akong nahiya at tumalikod.“Hala! Nakakahiya. Baka anong isipin nila sakin.”Kinuha niya ang kamay ko. “Don’t mind them. Sinend lang naman nila sa GC namin ang video par
Nanginig ang mga binti ko at agad akong napaupo ulit sa inuupuan ko kanina.Di ko inaasahan na makakapunta siya agad dito. Akala ko ay busy pa siya sa meeting niya. Pero mukhang tinutuo niya yung sinabi niya kaninang pupuntahan niya ako.“Paano ka nakilala nong doctor?” tanong ni Marky.“Hindi ko alam… Baka sa isang fashion event. Baka nagpunta doon ang asawa nong Max at nakilala niya ako lalo’t ako minsan ang organizer ng mga fashion show event ng AE Lines.” Pagpapalusot ko.“Okay… but the last guy, hindi ba yun ang boss mo?”Napalunok ako nang banggitin niya si Escalante.“Yes.”Tumango siya at kumain ulit. “Mukhang galit nga siya sayo. Pinag-iinitan ka ba niya sa kumpanya?”Kaya niya siguro nasabi yan dahil sa paraan ng pagtingin ni Escalante sakin kanina.“Hindi naman…”Uminom siya ng alak.“Mabuti naman. Akala ko ay may gusto ka na sa kaniya dahil panay mo siya silipin nong nasa rooftop pa tayo. Pero sa nakita ko kanina, mali pala ako.”“Iniisip mong may gusto ako sa kaniya?”Nag
“Tapos ka na sa reci—I mean, niyaya mo ko magpakasal?” muntik pa nga akong madulas sa sinabi ko. Bibig mo talaga Vida. Saad ko sa isipan ko.“Yeah… Ayaw mo ba? Matagal na rin naman tayo Vida saka hindi ba pangarap natin to? Matagal na natin tong pinag-usapan.”Noon yun no’ng matino ka pa at no’ng wala pang nangyayari sa amin ni Escalante.Kinuha ko ang singsing niya na nilagay lang niya sa table na para bang nagpo-propose lang siya ng business proposal. Mahal kaya to?“Kailan tayo magpapakasal kung ganoon?”“This year. Aasikusuhin ko rin ang wedding natin.”“Okay…” Sabi ko at sinuot sa daliri ko ang singsing.“Talaga?” nanlalaki ang mata niya.Tumango ako.“Thank you, babe.” Tatayo na sana siya para yakapin ako nang mabilis rin akong tumayo.“Banyo lang ako Marky…”Natigilan siya at hindi ko na rin siya hinayaan na makapagsalita dahil umalis na ako. Ayokong mayakap niya.Pagdating ko ng banyo, tinignan ko agad ang singsing.It’s pricey sa mga minimum lang ang kinikita. Siguro nasa aro
[Mauna na ako umuwi.] Text ko kay Escalante dahil mukhang di pa tapos ang meeting niya with Madam Lavenia.“Uuwi ka na Vida?” tanong ni Vaughn nang makita na nagliligpit na rin ako ng gamit.“Oo.”“Himala. Buong akala ko e magpapahuli ka na naman.”Natigilan ako sandali. Wala naman siguro siyang ibig sabihin doon sa sinabi niya diba?“Huh? Di ko gets.” Sabi ko kahit alam ko ang tinutukoy niya.Madalas kasi ako nagpapahuli ng uwi kasi gusto ni Escalante na sabay kaming umuwi. Mukhang nawi-weirduhan na ata sila na lagi ko yung ginagawa.“Girl, lagi kang nagovertime. Kulang nalang bigyan ka namin ng award na most hardworking employee of the year.” Sagot ni Vaughn sabay irap.“Oo nga Vida. Nakakagulat na uuwi ka ng maaga ngayon.” Dagdag ni Mhai.“Hindi ba pwedeng umuwi ng maaga?” sabi ko at nabusy-busyhan sa pagliligpit ng gamit.“Hindi naman. Anyway, sino sasama sa Korea next week?”“Na email na ako ng admin. Isa ako sa sasama kay sir Aris next week.” Saad ni Helena na parang kinikilig p
When Escalante said na unahin si Matt, nagdesisyon akong sundin ang plano niya. Hindi ko lang alam paano ko ito mahuhuli kasama ang boyfriend niya. Bahala na.“Vida, tumatawag na naman ang boyfriend mo.” Sabi ni Helena sa tabi at nang mapatingin ako sa phone ko, nakita ko nga ang pangalan ni Marky.Pero diko yun pinansin. Bumalik ang tingin ko sa trabaho ko.“Nag-away ba kayo? Ilang araw na kitang napapansin na hindi siya sinasagot.”“May trabaho pa kasi ako Helena saka isa pa, kailangan na natin tong matapos bago pa pumasok si madam Lavenia.”Pinagsingkitan niya ko ng mata.“Showbiz naman to… Ayaw umamin nag-away sila ng boyfriend niya.”“Oh sige na. Sasagutin na.” Napipilitan kong sabi. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot si Marky para matapos ang kakangawa ni Helena.[Vida, ano bang nangyayari? Akala ko nakauwi ka na? Bakit walang tao sa apartment niyo at hindi mo pa sinasagot ang tawag ko. Kahit si Aileen ay ayaw akong sagutin. Nasaan ka ba ngayon ha?]Nailayo ko agad ang cellph
Vida’s POV“Hindi ka pa rin ba papayag?” tanong ko kay Escalante habang nakahiga ako sa bisig niya. Oo, sa bisig. Lumalayo ako kanina, hinuhuli niya naman ako ulit para ilapit sa kaniya. Kaya hindi na ako umisog dahil hindi rin naman ako makakatakas sa kaniya.“Hindi.”“Pero Escalante, sa tingin mo ba hahayaan ko silang paglaruan nila ako?”“And what exactly is your plan? Continue dating that dog? No Vida. Delikado.”Ayaw niyang sumasama ako kay Marky para magkunwaring loyal girlfriend. Ayaw niyang sakyan ko ang laro ni Toneth sa ganoong paraan.“Ano naman delikado? Sasakyan ko lang naman ang pakulo nila.”“Still, delikado. You can think of another way to get your revenge to them.”Kumunot ang noo ko. “Ano naman?”“Date me in public. Then they’ll see na niloloko mo rin sila and quits lang kayo.”Bakit pakiramdam ko e sinasuggest niya yan para hindi na kami maging lowkey? Tuso rin tong isang to e.“Pakiramdam ko e kaya mo lang sinasuggest yan para maging public na rin ang meron satin.”