"MAMA!""Lily! Tim!""Mama!""Huwag kayong tatakbo! Baka madapa na naman kayo!""Mama, halika na po! Maglaro na tayo sa dagat! Tingnan mo po 'yong ibang mga bata, naglalaro na!""Sige, sige. Malapit na akong matapos dito.""Ano po ba 'yang ginagawa niyo?""Bracelet.""Seashells?""Nagustuhan niyo ba?""Seashells! Seashells! Seashells!""Alam kong magugustuhan niyo ito. Sandali na lang. Matatapos na ako.""Mama, bakit ka po gumagawa niyan?""Regalo ko ito sainyo ni Tim.""Birthday ba natin?""Hindi ko alam.""Bakit hindi mo alam?""Hindi mo rin naman alam, ah?""Sabay lang ang birthday natin!""Alam ko. Kasi kambal tayo.""Pero sabi ni Mama, ikaw ang naunang lumabas kaya dapat alam mo 'yon!""Hindi ko nga alam!""Lily, huwag mo nang awayin si Tim. Hindi lang sa birthday nagbibigay ng regalo. Halikayo. Tapos na ako. Isukat niyo ito.""Mama, paborito ko po itong kulay. Purple.""Sa akin meron din.""Pero po bakit iisa lang ito, Mama?""Dahil nag-iisa lang kayo sa buhay ko.""Dalawa naman
Last Updated : 2025-11-29 Read more