Share

12

last update Last Updated: 2025-10-08 11:09:46

ERICA POV

NAPANGIWI siya dahil pasuray-suray sa paglakad si Jake kaya nakaalalay siya rito. Nakaabay ito sa kanya habang nakakapit naman siya sa beywang nito. Binabalanse niya ang bigat ng binata.

"W-Wait lang tayo ng taxi–" kapagkuwan na sambit niya.

Namumungay ang mga matang napatango lang si Jake.

"I-I ... still can manage, Beauty. Come on, ikaw ang iha...hatid ko," biglang suminok si Jake at suminok uli.

"D-Damn, may naglagay yata ng betsín sa beer ko, fúck–"

Kumunot ang noo niya. Totoo kaya? Marami din kasing lokoloko sa Club. Napabuntong hininga siya saka napailing.

"Nope. Lasing ka na. Kaya ikaw ang ihahatid ko," mariin niyang sabi kay Jake.

Hindi naman ito kumibo na. Halatang nahihilo na dahil bumibigat na rin ang pagkakaakbay nito sa kaniya. Sakto naman na may taxi na dumaan, pinara niya iyon at huminto naman sa harap nila.

Maingat na iginiya niya papasok si Jake sa backseat at saka siya naupo rin sa tabi nito. Sinabi niya sa taxi driver kung saan ang drop-off nila. Sumubsob
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • INTO YOU   12

    ERICA POVNAPANGIWI siya dahil pasuray-suray sa paglakad si Jake kaya nakaalalay siya rito. Nakaabay ito sa kanya habang nakakapit naman siya sa beywang nito. Binabalanse niya ang bigat ng binata."W-Wait lang tayo ng taxi–" kapagkuwan na sambit niya.Namumungay ang mga matang napatango lang si Jake."I-I ... still can manage, Beauty. Come on, ikaw ang iha...hatid ko," biglang suminok si Jake at suminok uli."D-Damn, may naglagay yata ng betsín sa beer ko, fúck–"Kumunot ang noo niya. Totoo kaya? Marami din kasing lokoloko sa Club. Napabuntong hininga siya saka napailing."Nope. Lasing ka na. Kaya ikaw ang ihahatid ko," mariin niyang sabi kay Jake.Hindi naman ito kumibo na. Halatang nahihilo na dahil bumibigat na rin ang pagkakaakbay nito sa kaniya. Sakto naman na may taxi na dumaan, pinara niya iyon at huminto naman sa harap nila.Maingat na iginiya niya papasok si Jake sa backseat at saka siya naupo rin sa tabi nito. Sinabi niya sa taxi driver kung saan ang drop-off nila. Sumubsob

  • INTO YOU   11

    ERICA POVPAGSAPIT ng araw ng linggo. Tulog pa si Jake nang umalis siya upang magtungo kina Clarissa. Hindi niya muna sinabi sa kaibigan ang pagkakaroon niya ng komunikasyon kay Jake bilang Erica.Sinabi niya lang na e-extra siya sa Club bilang disc jockey, tutulungan naman siya ni Peewee dahil kakilala nito ang DJ na nasa Club."Hindi ako masyado magtatagal sa club, may lakad din ako, pero kakausapin ko muna 'yon kaibigan kong DJ, tapos ikaw na bahala–" paalala ni Peewee sa kaniya habang inaayosan na naman siya ng buhok.This time, nakasuot siya ng wig. Matibay naman ang pagkakalagay ni Peewee ng wig niya. Hindi basta basta natatanggal kahit may humila pa sa buhok niya, 'wag lang siya makikipag sabunutan ibang usapan na iyon."Salamat ha. Na-miss ko lang talaga mag-DJ," totoo naman ang sinabi niya pero syempre dahilan lang niya 'yon. Si Jake talaga ang rason niya.Humikab si Clarissa na nakahiga sa kama nito.Naroon sila sa kwarto ng kaibigan."Umidlip ka muna tutal gabi ka pa naman

  • INTO YOU   10

    ERICA POVKAAGAD niya kinuha ang cellphone. Totoo nga nag-text sa kaniya si Jake. Umakto siyang hihiga habang hawak ang cellphone. Naka-silent mode na iyon. Pa-simpleng binasa niya ang text nito.[Hi, beauty. Morning. Text me when you awake. ;⁠) ]Pinigil niya ang mapangiti. Marahan niya binaba ang hawak na cellphone, sumulyap siya kay Jake na ngayon ay nakahiga na sa kama nito, patalikod sa kaniya.Napabuntong hininga siya. Umayos na rin siya ng higa, patagilid paharap sa likod ni Jake. Hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya pagbigay ng number rito? Paano na lang kung malaman nito kung sino siya?Mariin siyang napapikit. Ayaw na niya muna isipin. Magpapahinga muna siya dahil mamaya gabi may duty na naman sila.*****KAPANSIN-PANSIN ang tila pag iwas ni Jake sa kaniya, kanina pa nang pumasok sila sa hotel. Humiwalay ito sa kaniya. Sa ibang floor ito naglinis at nag-refill ng mga stocks sa mga kwarto.Gustuhin man niya tanungin ito pero pinigilan niya ang sarili. Mas okay nga 'yon

  • INTO YOU   9

    ERICA POVSHE DIDN'T know what to say, she just stood there stunned in front of him with her lips parted.Humugot siya ng malalim na paghinga, para bang nanlamig ang buong katawan niya ng mga sandaling iyon. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa pamilyar na gwapong mukha ng lalaking kaharap niya.Walang iba kun'di si Jake. Yup, in the flesh! Nandito talaga siya.She slowly looked into his emotionless eyes. Galit ba 'to? Nakilala ba siya nito?"Erica, right?" matiim itong nakatingin sa kaniya.Yes! Of course, kilala siya nito bilang Erica. Hindi niya akalain matandain pala ito.Tumikhim muna siya sabay tango. "Y-Yeah."Napalunok siya ng laway ng lumapit ito sa kaniya. Sobrang lapit na halos maamoy na niya ang pinaghalong mint candy at amoy beer sa hininga nito."Ang tagal kitang hinanap, alam mo ba," paanas na sambit ni Jake."R-Really? Can I ask why?"Nagtaas baba ang balikat nito."I dunno... Masyado ka lang tumatak sa isip ko. Anyway, you're so hót while playing your remix," puri

  • INTO YOU   8

    ERICA POV3AM NA....HINDI pa rin umuuwi o bumabalik ng barracks si Jake. Maaga siyang nagising dahil kailangan niyang maligo at magpalit ng sanitary napkin. Hindi niya nilalagay sa trash bin ang mga used pad niya, binabalot niya iyon ng papel at iniipon sa isang supot, saka niya ilalabas ang basura niya sa garbage area ng hotel o waste area.Mas safe iyon kaysa iwanan o pabayaan niya ang mga basura niya sa banyo o kung saan.Pagkatapon ng basura, kaagad naman siya bumalik sa kwarto. Napangiwi siya ng may pulang mantsa ang bedsheet niya. Tsk!Buti na lang at wala pa si Jake, delikado talaga pag may nakapansin o may makakita.Inalis niya ang bedsheet at pinalitan ng bago. Kinusot niya iyon sa isang katamtaman laki ng palanggana sa banyo saka ibinabad. Maya tanghali na niya babanlawan iyon.Nagbihis siya ng itim na jogger pants at itim din na oversize tshirt at humiga uli. Mamayang gabi pa ang shift niya kaya marami pa siyang oras para magpahinga.Muli siyang nakatulog, naalimpungatan n

  • INTO YOU   7

    JAKE POVKANINA pa niya pinagmamasdan ang bawat galaw ni Rico. Masyado itong konserbatibo, pansin lang naman niya.Sa tuwing maliligo ito, dala na ni Rico ang tuwalya at bihisan nito. Sa banyo ito mismo nagbibihis.Never pa niyang nakita si Rico na walang pang itaas na damit o maghubad ng damit sa harapan niya. Nahihiya ba ito? pero bakit naman? dadalawa lang naman sila sa kwarto, parehas naman sila lalaki.Hmm, baka naiilang? Tsk.Natigil lang siya sa pag iisip ng bumukas ang pinto ng kwarto nila. Si Onofre na naman."Rico! Jake! Tara, basketball tayo sa may labasan," pang aaya nito sa kanila.Bumaling siya kay Rico na para bang na-tense bigla."Ah... Eh... H-Hindi ako marunong mag-basketball," nakangiwing sambit ni Rico."Ganon ba? Nuod ka na lang. Ikaw, Jake, laro ka?"Nagkibit balikat siya. Day off naman nila. Wala naman masama kung magpapa-pawis siya."Game!" aniya sabay tayo."Ahm, kayo na lang. Magpapahinga lang ako–"Hindi na natuloy ni Onofre ang iba pang sasabihin sana ni Ri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status