Dorryn’s Point of ViewDahan-dahan akong nagmulat ng mga mata, na para bang may mabigat na ulap na nakapatong sa aking buong pagkatao. Ramdam ko ang kakaibang pamamanhid na tila ba may mumunting alon na marahang humahaplos sa aking balat, mula ulo hanggang paa. Ang bawat galaw ko ay mabagal, puno ng pag-iingat, na para bang unti-unti ko pang binabalikan ang realidad.Unti-unting sumilay sa aking paningin ang ginintuang sinag ng araw na dumaraan sa kurtina ng bintana. Parang mga hibla ng liwanag na sumasayaw sa hangin, nagbibigay init at katahimikan sa buong silid.“Anong oras na ba?” mahina kong tanong sa sarili ko, halos kasabay lamang ng aking paghinga.Gagalaw sana ako upang bumangon, ngunit agad akong natigilan nang maramdaman ko ang isang matibay at mainit na bisig na nakapulupot sa aking katawan. Parang isang tahimik na pader na humahadlang sa akin, ngunit hindi nakakulong, kundi inaalagaan.Dahan-dahan akong napalingon sa likuran k
Ler mais