Dorryn's Point of ViewKinabukasan...Maagang gumising ang mundo na tila ba may bagong kwentong gustong simulan para sa akin. Habang tahimik na gumuguhit ang sinag ng araw sa kalangitan ng South Korea, nakasakay ako ngayon sa isang mumurahing sasakyan na ako mismo ang pumili para hindi mahalatang mayaman ako.Nakakapanibago pa rin isipin.Hindi ko naman kasi alam noon na mayaman pala talaga ang pamilya ko. Lumaki akong sanay sa simpleng buhay. Yung tipong sapat na ang isang mainit na pagkain sa mesa at maayos na higaan para masabing masaya ang isang araw.Kaya hanggang ngayon, parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat.Napabuntong hininga na lamang ako habang tahimik na pinagmamasdan ang daan sa labas ng bintana. Sunod-sunod na gusali, mga taong naglalakad nang mabilis, at malamig na hanging sumasalubong sa salamin ng sasakyan ang bumungad sa akin.Tahimik lang akong nakaupo sa likod habang si Snow ang nagmamaneho.Syempre hindi ako pwedeng magmaneho.Baka kung anong mangyar
Read more