Dorryn's Point of ViewNakarating kami sa harapan ng mansion at parang kusang napahinto ang mundo ko sa mismong sandaling iyon. Tumambad sa akin ang napakalawak na bakuran, ang matatayog na haligi, at ang engrandeng disenyo ng bahay na tila hinugot mula sa isang panaginip na hindi ko inakalang mararanasan ko sa totoong buhay. Umunang lumabas si Nando ng sasakyan, ang presensya niya ay kasing tibay ng marmol na bumabalot sa buong lugar, at agad niya akong inalalayan palabas na para bang ako ang pinakamahalagang bagay na kailangan niyang ingatan.Pagkalapag ng mga paa ko sa lupa, agad kong napansin ang hanay ng mga katulong at bodyguards na sabay-sabay na yumuko bilang paggalang. Parang isang eksena sa pelikula ang lahat—sobrang perpekto, sobrang maayos, at sobrang… hindi pa rin ako makapaniwala."Bongga ha," mahinang ani ko, halos pabulong lang, ngunit sapat para marinig niya."Welcome, Mr and Mrs Burge."Ang simpleng pagbati na iyon ay tila may bigat na hindi ko maipaliwanag. Napangit
Ler mais