3rd Person's Point of View*Nakaupo si Samantha sa malamig at matigas na sahig ng selda, habang ramdam na ramdam niya ang matinding pagkauhaw at pagkagutom na unti unting kumakain sa natitirang lakas niya. Ang bawat segundo na lumilipas ay tila ba isang parusang paulit ulit niyang nararanasan, parang walang katapusan na paghihintay sa kung ano ang magiging kapalaran niya. Ang hangin sa loob ng kulungan ay mabigat, halos hindi na niya maramdaman ang pagdaloy nito sa kanyang balat, at ang katahimikan ay parang sumisigaw sa kanyang isipan.Alam niya na nalaman na ng pamilya niya ang nangyari sa kanya.At higit sa lahat, alam niya na ikakahiya na siya ng mga iyon.Dahan dahan siyang napatingin sa kanyang mga kamay, ang mga palad na minsang sanay sa karangyaan, ngayon ay nanginginig at tila ba nawalan na ng saysay. Pinagmasdan niya ang mga ito, parang hinahanap ang sagot sa mga tanong na matagal na niyang kinikimkim."Ano ba ang naging kasalanan ko noon para karmahin ng ganito ka lala?" na
Baca selengkapnya