No. Hindi pwedeng mawala ulit sa 'kin si Kier. Sobrang tagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to. Ang makita siya ulit. Kaya hinding-hindi ako papayag na mauwi nalang sa wala ang chance na 'to. "Zandrie, ano ba? Bitiwan mo ko!" usal ko. Pinipilit na makawala sa yakap niya para mahabol ko si Kier. Kailangan kong maayos ang lahat sa 'min. Marami pa akong gustong sabihin."Reign," narinig kong saad niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa 'kin. Fuck him! Kailan ba niya matatanggap na kahit buntis ako sa kan'ya, hinding-hindi ko siya kayang mahalin. Na kahit buntis ako sa kan'ya si Kier ang hinahanap-hanap ko."Zandrie please, hayaan mo naman akong maging okay! Hayaan mo naman akong maging maayos at masaya!" sigaw ko sa gitna ng paghikbi. Narinig kong napalunok siya ng laway, bahagyang kumakalas ang yakap niya sa 'kin hanggang sa tuluyan na niya akong mabitawan. Dapat lang! He has nothing to hold on. Mabilis akong tumakbo para habulin si Kier, saktong nasa baba pa siya kaya't mabilis an
Last Updated : 2025-09-11 Read more