Zandrie's POV Tatlong linggo na din ang lumipas pero hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari samin ni Riegn. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Guilty ako sa katotohanang alam kong mali ang nagawa ko, na hindi ako nakapagpigil. Pero anong magagawa ko? Lalaki ako, at siya lang ang kaisaisahang babaeng gusto ko— hindi, mahal ko. Pero alam kong hindi 'yon rason para pagsamantalahan ko ang kahinaan niya. Hindi na rin ako sigurado kung pagmamahal ba ang ipinakita ko, knowing na may boyfriend siya na mahal na mahal niya at mahal din siya. And worst, bestfriend ang tingin niya sa'kin at kahit pa mas malalim ang nararamdaman ko para sa kanya, I value the fact that she treats me as her bestfriend. Kahit bestfriend lang— Tinungga ko ang pampitong bote ng redhorse na nasa mesa. Ininom ko ito hanggang sa maubos ang laman. Inaaliw ang sarili, umaasang kahit sandali ay mawala sa isip ko ang mga nangyari. "Bro! Easy, sobrang wild mo na uminom ngayon ah." Narinig kong puna ni Jace na
Last Updated : 2025-07-31 Read more