Share

Kabanata 6

Author: Bela Ann
last update Last Updated: 2025-08-01 14:49:00

Tapos na silang kumain ni Rafael, at ngayon ay nasa loob na ulit sila ng opisina. Abala si Rafael sa laptop at mga files na nakakalat sa ibabaw ng mesa nito.

Napasilip si Fana sa cellphone niya.

“Naku, 1:20 PM pa lang, lobat na ako,” bulong sana niya sa sarili, pero napalakas pala ang boses niya.

“Then mag-charge ka. May socket diyan, or kung gusto mo, you can rest for a bit. Watch something,” sabi ni Rafael habang may kinukuha mula sa ikalawang drawer sa side table.

“Use this.” Inabot niya kay Fana ang isa pang laptop, pati na rin ang charger.

Napakunot-noo si Fana.

Manonood lang ako, bibigyan pa ako ng laptop? Hindi ba’t dapat nagtatrabaho ako?

Mabilis siyang tumayo at umiling ng bahagya.

“Ay sir, no po, okay lang po. Makiki-charge na lang po ako. Wala po ba kayong ipapagawa sa akin?” tanong niya, magalang pa rin ang tono.

“Rafael. Drop the po, I’m just 28.”

Wow. Tinawag na nga kita ng ‘sir,’ eh. Syemp
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Her Secret Stranger   Kabanata 13

    Kabanata 13FANA’S POVKinabukasan, pagpasok ko sa unit, parang may kakaiba sa hangin. Hindi ko alam kung dahil ba sa bagong araw, o dahil sa utak ko na hindi matahimik mula kagabi. Para bang may nakasabit na invisible banner sa pader:Countdown to Gala Night—5 days left!At habang naglalakad ako papasok, pakiramdam ko tuloy isa akong contestant sa reality show. Hindi ko nga alam kung anong klaseng challenge ang haharapin ko, pero siguradong may kinalaman sa gown, heels, at hindi madapa habang naglalakad.“Good morning, sir,” bati ko nang mahina kay Sir nang nadatnan ko siyang nasa living area. As usual, naka-relax na upo sa single sofa, hawak ang kape at may binabasang documents. Parang siyang na sa scene sa commercial ng mamahaling lifestyle brand.“Morning,” sagot niya, diretsong tingin sa papel pero ramdam kong aware siya na dumating ako.Huminga ako ng malalim at nilapag ang eco-bag na bitbit ko. May dala kasi akong

  • Her Secret Stranger   Kabanata 12

    FANA’S POVNanatili akong nakaupo sa dining table kahit tapos na si Sir kumain. Siya naman, parang walang balak magmadali, chill lang, parang nasa sariling bahay… well, technically, bahay nga niya ‘to.Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kamay.“You’re spacing out,” sabi niya, diretso lang, walang warm-up.Napakurap ako. “Ah, wala po… iniisip ko lang po… kung maghuhugas na ako ng plato.”Alam kong obvious na hindi ‘yun ‘yung totoong iniisip ko, pero ayoko nang maungkat pa kung bakit talaga ako tulala.“I can do that,” sabi niya.Napatigil ako.“Sir… marunong po kayo maghugas ng plato?”Umangat ang isang kilay niya.“Do I look like I don’t?”Hindi ako nakasagot agad. Kasi honestly… yes. Hindi ko siya ma-imagine na nakatayo sa harap ng lababo, may bula-bula sa kamay.Alam mo na, kapag mayaman, bihira kumilos sa bahay.“I’ll just wash it,” dagdag niya, tapos tumayo.Automatic na

  • Her Secret Stranger   Kabanata 11

    FANA’S POVKinabukasan, maagang nagising si Fana dahil na-stress talaga siya kung saan siya kukuha ng ipambabayad sa utang ni Mama. Napaka naman kasi nung nautangan nila, gusto na agad sila ipa-barangay!Hindi puwede. Malalagot sila kay Papa dahil hindi nila sinabi ’to sa kanya.Hay! Sana magawan ko ng paraan… kahit ‘yung instant miracle na lang, Lord, pwede?Dumating ako sa condo ng exactly 8:48 AM. Umalis na rin agad si Sir Rafael ng 9:30 AM.Pagkaalis niya, naiwan akong mag-isa sa condo.As in totally mag-isa. Wala man lang multo para may kausap. Kahit ‘yung tipong nagpaparamdam lang, okay lang sana, para lang hindi ako mukhang baliw na nagsasalita mag-isa.Kaya sinimulan ko nang ayusin ang mga papel at boxes niya sa office.Sabi ni Ma’am Candice, terrible si sir sa pag-oorganize. Hindi naman sobra. Medyo kalat lang… parang utak ko.After 30 minutes, lumabas muna ako ng opisina niya. Naisipan kong i-check ang

  • Her Secret Stranger   Kabanata 10

    FANA’S POVIsang linggo na ako sa trabaho, pero parang isang buwan na rin sa dami ng ganap.KABALIKTARAN.Hindi naman ako nagrereklamo na walang ginagawa.Medyo.Okay, fine—medyo lang talaga.Kasi sa totoo lang, ‘di ko maintindihan kung assistant ba talaga ako ni Sir Rafael o gusto niya lang ng kasama-sama sa condo niya.Sa isang linggo ko, dalawang beses lang kami lumabas, at gaya nung una, hinintay ko lang siya, tapos kakain kami, uuwi ng condo, at hihintayin ko ang oras ng out ko.Katulad ngayon.Nasa passenger seat ako ng sasakyan niya, pabalik sa condo—galing kami sa isa niyang business sa mall at may chineck lang siya ro’n. Parang errand lang na hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko pang sumama.Pero sige, assistant nga raw ako.Naka-rest ang ulo ko sa side ng bintana habang pinipilit huwag isipin kung gaano kabigat na bayarin ang naghihintay sa bahay.Ayoko sanang madala ‘yung stress s

  • Her Secret Stranger   Kabanata 9

    FANA’S POVPagkatapos naming kumain ni Sir Rafael sa isang mamahaling fine dining restaurant, nagyaya na rin siyang bumalik sa condo.Tahimik lang ang naging biyahe namin.Hindi ko alam kung dahil ba busog ako kaya parang tinatamad na akong magsalita, o dahil nararamdaman kong ayaw naman niyang makipag-usap.Edi ‘wag. Hindi ko rin ipipilit.Pareho lang kaming nakatingin sa labas ng bintana habang tinatahak ang daan pauwi.Mga trenta minutos din ang biyahe.Pagdating namin sa building, tumapat siya sa main entrance pero hindi bumaba.Lumingon siya sa akin habang hawak ang manibela.“Mauna ka na sa taas. Magpa-park pa ako sa basement,” sabi niya, sabay abot sa akin ng key card ng unit niya.Nagulat ako nang bahagya, pero kinuha ko rin iyon.“Okay po,” maikli kong sagot, sabay pilit na ngiti.Pagkababa ko ng sasakyan, mabilis akong pumasok sa building at sumakay ng elevator paakyat sa unit niya

  • Her Secret Stranger   Kabanata 8

    “Mabilis lang ’to,” sabi ni Sir Rafael pagkasakay ko sa passenger seat ng mamahalin niyang sasakyan.Nakalimutan ko tuloy tingnan sa labas kung anong brand ’to. Hindi naman kasi ako marunong sa mga sasakyan. Kotse lang ’yan sa’kin.Basta may apat na gulong at may aircon, goods na.Nagkatinginan kami saglit—well, ako lang pala ’yung tumingin. Siya kasi, naka-focus na agad sa daan habang ini-start ang makina.Tulad kahapon, man of few words pa rin. Tipid sa syllables, parang binabayaran ang bawat salita.“Sir, saan po tayo?” tanong ko kahit obvious namang sinabi niya na kanina—business-related. Curious lang talaga ako.Tsaka hello, hindi ba dapat alam ko? Assistant daw ako, ’di ba? yun ang sabi sa akin ni Ma’am Candice.“Mm. May imi-meet lang ako.”Okay. Ang damot talaga sa letra ng boss ko.Tahimik ulit ang loob ng sasakyan.Kaya napabaling ako sa suot ko—beige na high-waist slacks at cream blouse na may pa-ri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status