“Mamaya po, Pa. Check ko pa po sa online banking kung may pumasok na.”
Pilit ang ngiti ni Fana habang sinasabi ’yon sa kanyang papa. Kahit may kaba sa dibdib, sinubukan niyang gawing kalmado ang boses niya at kunwari’y walang problema. Umubo lang ito. Maikli lang, pero halatang may duda. Parang sinasabi ng ubo niya na hindi siya naniniwala. Baka iniisip niya na sumahod na si Fana, at pinapatagal lang bago mag-abot ng pera. Hayst. Ganyan si Papa, palaging nakaabang tuwing petsa de peligro. Mula pa noon, siya na ang inaasahan sa bahay. Naalala pa ni Fana ’yung panahong medyo okay pa ang takbo ng trabaho niya. Kaya pa niyang magbigay ng tig-dalawang libo kay Papa at tatlong libo naman kay Mama. Hindi man kalakihan, pero sapat na para mapuno ng groceries ang maliit nilang kusina. Isang beses nga, kakabigay lang niya ng pera kay Papa, pero wala pang dalawang araw, hiningan na siya ulit ng dagdag. Para raw sa pagpapakumpuni ng dingding sa kusina. Nasa awkward siyang posisyon noon—ubos na ang pera sa wallet, wala ring natira sa ATM. Pero sa takot na madismaya si Papa, napilitan siyang mangutang. Kasi alam na niya ang linyang maririnig: “Wala ba kayong naitatabi?” Napabuntong-hininga si Fana habang binubuksan ang cabinet. Hinugot niya ang lumang bag kung saan niya itinago ang natitirang isang libo mula sa hiniram niyang emergency kay JM. Minsan lang siya manghiram, pero napilitan na rin. ‘Ito na lang muna,’ bulong niya sa sarili habang hawak ang lukot na bill. Baka naman maintindihan ako ni Mama kung kay Papa ko muna ibibigay ngayon. Next na lang siya.’ Naligo siya para kahit paano’y makabawi ng konting sigla. Mainit ang tubig pero parang hindi sapat para mapawi ang bigat sa katawan niya. Pagkatapos, bumalik siya sa kwarto dala ang basang buhok at tuwalya sa balikat. Plano sana niyang magkusot ng mga panyo habang nakikinig ng music, pero bigla niyang naalala… ‘Yung tubig.’ Naiwan pa pala sa bag ang bote. Bumalik siya roon, binuksan ang zipper ng bag. Pero bago pa niya maabot ang bote, may kumislap na kulay asul mula sa isang bulsa. Napakunot-noo siya, saka agad hinugot iyon. Sampung libo. “Ha?!” Napakurap siya, parang nananaginip. “Ano ’to?! Kanino galing ’to?” Kasabay ng pera, may nalaglag na isang maliit na calling card. Pinulot niya ito at binasa. Candice Valerio. May naka-print na mobile number at landline. Tahimik niyang binasa ang pangalan sa isip. “Babae?” bulong niya. “Siya kaya ang naglagay nito?” Tiningnan niya ulit ang pera, hinaplos-haplos ang gilid. Tunay ito. Hindi play money. Bagong-bago pa ang ibang bills. Halos lumamig ang palad niya sa kaba. Agad siyang naupo sa gilid ng kama at kinuha ang phone. Nag-type siya ng mensahe sa numerong nasa card. [Hello po, magandang gabi. Kayo po ba si Ms. Candice Valerio?] Maya-maya lang, nag-vibrate ang phone. [Yes. Who is this?] [May nakita po kasi akong calling card niyo sa bag ko, kasama po ng pera. Gusto ko lang pong i-confirm if kayo po talaga ang naglagay.] Sandaling tahimik habang naghihintay si Fana ng reply. Nanginginig ang kamay ni Fana habang hawak ang phone. Baka mali lang, baka hindi talaga sa kanya iyon. Pero agad din itong nagreply. [Wait, what money? Sorry, I don’t quite follow.] Napatigil si Fana. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Kung hindi siya ang naglagay… sino? Bakit nando’n ang calling card? Nag-isip muna siya ng mga 10 minutes para mag-reply. Pero bago pa siya makapag-reply, may kasunod na mensahe. [Wait. I remember now. I’m sorry, that was me. I was going to explain—yes, I put the money in your bag.] [I happened to see a notebook sa table when I passed by. I think you left it slightly open sa food court. I accidentally read a line you wrote about hoping it’s your salary day. I’m really sorry for the intrusion, but… I felt the need to help.] Parang sinabuyan ng mainit na tubig ang mukha ni Fana. Namula ang pisngi niya. ‘Hala. Nabasa niya ’yung sinusulat ko sa notebook?’ Nakakahiya man, pero parang sabay do’n, may gumaan sa dibdib niya. May kasunod pang mensahe. [If you’re looking for work, I’d like to offer you something. My brother needs an assistant. He lives near the mall where you were kanina.] Napatingin si Fana sa kisame. Hindi siya makapaniwala. ‘Totoo ba ’to? Ginaganahan na ang universe sa’kin?’ [Just call or message him: 0967-XXXXXXX. His name is Rafael. He’s 28, and he’s terrible at organizing anything, kaya kailangan niya talaga ng assistant. Just tell him I referred you. He’ll discuss the rest—like schedule and salary.] [And… please use the money. I know it’s meant for your father. I hope it helps, kahit papaano. That’s yours now. Have a good evening.] May fireworks sa dibdib ni Fana. Nanginig ang daliri niya habang nagta-type ng sagot. Hindi na niya namalayan ang ngiting unti-unting sumilay sa labi niya. [Thank you po, Ms. Candice. Hindi ko po alam kung paano ako magpapasalamat, pero… susubukan ko pong kontakin siya. Sobra-sobra po ang tulong ninyo. Salamat po talaga.] Hindi pa man niya nakikilala ang misteryosong lalaki na si Rafael, pero may kutob siyang magbabago ang takbo ng buhay niya dahil sa offer na ito.Kabanata 13FANA’S POVKinabukasan, pagpasok ko sa unit, parang may kakaiba sa hangin. Hindi ko alam kung dahil ba sa bagong araw, o dahil sa utak ko na hindi matahimik mula kagabi. Para bang may nakasabit na invisible banner sa pader:Countdown to Gala Night—5 days left!At habang naglalakad ako papasok, pakiramdam ko tuloy isa akong contestant sa reality show. Hindi ko nga alam kung anong klaseng challenge ang haharapin ko, pero siguradong may kinalaman sa gown, heels, at hindi madapa habang naglalakad.“Good morning, sir,” bati ko nang mahina kay Sir nang nadatnan ko siyang nasa living area. As usual, naka-relax na upo sa single sofa, hawak ang kape at may binabasang documents. Parang siyang na sa scene sa commercial ng mamahaling lifestyle brand.“Morning,” sagot niya, diretsong tingin sa papel pero ramdam kong aware siya na dumating ako.Huminga ako ng malalim at nilapag ang eco-bag na bitbit ko. May dala kasi akong
FANA’S POVNanatili akong nakaupo sa dining table kahit tapos na si Sir kumain. Siya naman, parang walang balak magmadali, chill lang, parang nasa sariling bahay… well, technically, bahay nga niya ‘to.Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kamay.“You’re spacing out,” sabi niya, diretso lang, walang warm-up.Napakurap ako. “Ah, wala po… iniisip ko lang po… kung maghuhugas na ako ng plato.”Alam kong obvious na hindi ‘yun ‘yung totoong iniisip ko, pero ayoko nang maungkat pa kung bakit talaga ako tulala.“I can do that,” sabi niya.Napatigil ako.“Sir… marunong po kayo maghugas ng plato?”Umangat ang isang kilay niya.“Do I look like I don’t?”Hindi ako nakasagot agad. Kasi honestly… yes. Hindi ko siya ma-imagine na nakatayo sa harap ng lababo, may bula-bula sa kamay.Alam mo na, kapag mayaman, bihira kumilos sa bahay.“I’ll just wash it,” dagdag niya, tapos tumayo.Automatic na
FANA’S POVKinabukasan, maagang nagising si Fana dahil na-stress talaga siya kung saan siya kukuha ng ipambabayad sa utang ni Mama. Napaka naman kasi nung nautangan nila, gusto na agad sila ipa-barangay!Hindi puwede. Malalagot sila kay Papa dahil hindi nila sinabi ’to sa kanya.Hay! Sana magawan ko ng paraan… kahit ‘yung instant miracle na lang, Lord, pwede?Dumating ako sa condo ng exactly 8:48 AM. Umalis na rin agad si Sir Rafael ng 9:30 AM.Pagkaalis niya, naiwan akong mag-isa sa condo.As in totally mag-isa. Wala man lang multo para may kausap. Kahit ‘yung tipong nagpaparamdam lang, okay lang sana, para lang hindi ako mukhang baliw na nagsasalita mag-isa.Kaya sinimulan ko nang ayusin ang mga papel at boxes niya sa office.Sabi ni Ma’am Candice, terrible si sir sa pag-oorganize. Hindi naman sobra. Medyo kalat lang… parang utak ko.After 30 minutes, lumabas muna ako ng opisina niya. Naisipan kong i-check ang
FANA’S POVIsang linggo na ako sa trabaho, pero parang isang buwan na rin sa dami ng ganap.KABALIKTARAN.Hindi naman ako nagrereklamo na walang ginagawa.Medyo.Okay, fine—medyo lang talaga.Kasi sa totoo lang, ‘di ko maintindihan kung assistant ba talaga ako ni Sir Rafael o gusto niya lang ng kasama-sama sa condo niya.Sa isang linggo ko, dalawang beses lang kami lumabas, at gaya nung una, hinintay ko lang siya, tapos kakain kami, uuwi ng condo, at hihintayin ko ang oras ng out ko.Katulad ngayon.Nasa passenger seat ako ng sasakyan niya, pabalik sa condo—galing kami sa isa niyang business sa mall at may chineck lang siya ro’n. Parang errand lang na hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko pang sumama.Pero sige, assistant nga raw ako.Naka-rest ang ulo ko sa side ng bintana habang pinipilit huwag isipin kung gaano kabigat na bayarin ang naghihintay sa bahay.Ayoko sanang madala ‘yung stress s
FANA’S POVPagkatapos naming kumain ni Sir Rafael sa isang mamahaling fine dining restaurant, nagyaya na rin siyang bumalik sa condo.Tahimik lang ang naging biyahe namin.Hindi ko alam kung dahil ba busog ako kaya parang tinatamad na akong magsalita, o dahil nararamdaman kong ayaw naman niyang makipag-usap.Edi ‘wag. Hindi ko rin ipipilit.Pareho lang kaming nakatingin sa labas ng bintana habang tinatahak ang daan pauwi.Mga trenta minutos din ang biyahe.Pagdating namin sa building, tumapat siya sa main entrance pero hindi bumaba.Lumingon siya sa akin habang hawak ang manibela.“Mauna ka na sa taas. Magpa-park pa ako sa basement,” sabi niya, sabay abot sa akin ng key card ng unit niya.Nagulat ako nang bahagya, pero kinuha ko rin iyon.“Okay po,” maikli kong sagot, sabay pilit na ngiti.Pagkababa ko ng sasakyan, mabilis akong pumasok sa building at sumakay ng elevator paakyat sa unit niya
“Mabilis lang ’to,” sabi ni Sir Rafael pagkasakay ko sa passenger seat ng mamahalin niyang sasakyan.Nakalimutan ko tuloy tingnan sa labas kung anong brand ’to. Hindi naman kasi ako marunong sa mga sasakyan. Kotse lang ’yan sa’kin.Basta may apat na gulong at may aircon, goods na.Nagkatinginan kami saglit—well, ako lang pala ’yung tumingin. Siya kasi, naka-focus na agad sa daan habang ini-start ang makina.Tulad kahapon, man of few words pa rin. Tipid sa syllables, parang binabayaran ang bawat salita.“Sir, saan po tayo?” tanong ko kahit obvious namang sinabi niya na kanina—business-related. Curious lang talaga ako.Tsaka hello, hindi ba dapat alam ko? Assistant daw ako, ’di ba? yun ang sabi sa akin ni Ma’am Candice.“Mm. May imi-meet lang ako.”Okay. Ang damot talaga sa letra ng boss ko.Tahimik ulit ang loob ng sasakyan.Kaya napabaling ako sa suot ko—beige na high-waist slacks at cream blouse na may pa-ri