Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewHumaba ang aking nguso. Nagawa niyang mag-text sa akin, pero hindi naman niya nasasabi kung anong oras siya uuwi, o kung saan siya pupunta.Habang tumatagal tuloy ay hindi ko maiwasang mapaisip kung sadyang ganito lang ba siya gumalaw, o ayaw niya lang na mag-alala ako kung sakali man na pilit niyang inaaral ang mga kalaban niya.Aside from that, alam kong may assignment si Darius maliban sa pagbabantay sa akin, at ‘yon ay ang hanapin ang mga lalaking kinaiinisan niya.Kumagat ako sa pizza kahit na medyo tulala ako. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko talaga ay wala akong ganang kumain.Kahit pa mag-text nang mag-text si Helios sa akin, at mag-send ng mga picture ng kaniyang kinakain, hindi talaga ako magkaroroon ng gana.“Baby,” he said, calling my attention.Napalingon naman ako sa kaniya. Nasa kalagitnaan ako ng aking binabasa nang bigla na lang siyang magsalita.Magka-call kasi kaming dalawa. Tumawag siya kanina, dahil gusto niya raw malaman
Terakhir Diperbarui : 2025-10-26 Baca selengkapnya