Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View Pagkagising ko, ramdam ko ang sakit sa aking katawan. Ni hindi ko nga alam na tanghali na pala, dahil inabot kami nang madaling araw ni Helios.Mabuti na lamang, dahil Sabado ngayon. Wala akong klase, at hindi ako matataranta na lumiban ako sa klase.Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap ni Helios. Nasa likod ko lamang siya, at nakasiksik ang kaniyang mukha sa aking batok. Kaya nararamdaman ko ang kaniyang mainit na hininga.“Maaga pa,” ungot niya. “We still need to sleep.”Natawa naman ako nang mahina, at hinaplos ang kaniyang bisig na nasa aking bewang.“Tanghali na,” paos kong wika. “Kailangan nating kumain.”“Are you hungry?”Umiling ako bilang sagot, dahil hindi ko naman talaga ramdam ang gutom. Matapos kasi namin ‘yon gawin, gumawa siya ng sandwich. Early breakfast ang nangyari, pero ayos lang naman.Kailangan din naman kas
Terakhir Diperbarui : 2025-11-10 Baca selengkapnya