Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewMatapos ang naging usapan namin, tahimik na lamang akong kumain. Hindi ko nga naubos ‘yon, at mukhang alam na ni Tita na hindi ko talaga uubusin. Ang tanging kinain ko na lamang ay watermelon, dahil alam kong mas kailangan ko ng prutas ngayon. Iniiwasan ko ring ma-stress, dahil bawal ‘yon lalo na ngayong buntis ako. Kailangan kong maging kalmado, kahit na imposible ‘yon. “Uwi ka muna, at magpalit,” wika Tita. Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi, dahil wala naman na kasi akong balak pang umalis kung gayon na kailangan kong malaman ang kondisyon nina Daddy, at Mommy. They did their best to protect me. Kaya sana, kahit man lang sa ganitong paraan ay magawa ko silang tulungan. “Hihintayin ko po sanang lumabas ang doctor,” giit ko, pero tanging iling lang ang naging sagot sa akin ni Tita. Hindi ko alam, pero sa paraan ng pagtitig nila sa akin, parang may alam sila na ayaw nilang sabihin sa akin. Kaya lang ay imbis na ipahalata sa
Last Updated : 2026-01-25 Read more