Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewTo fix everything.Humugot naman ako nang malalim na hininga, at hindi maiwasang isipin ang huling pag-uusap namin ni kuya.Hindi naman niya ako pinilit. Hinayaan lang naman niya ako sa naging desisyon ko, dahil hindi pa naman talaga ako handa sa bagay na ‘yon.Ramdam kong gusto rin naman talaga niya ‘yong ayusin. Kasi hindi na rin naman kami bumabata. Mabilis na lang ang panahon ngayon. Kaya nga naiintindihan ko si kuya, pero sadyang hindi pa ako handa sa ngayon. Siguro, kapag okay na ako. Kapag nakapag-adjust na talaga ako, baka kauusapin ko na sila.Sa ngayon, gusto ko munang intindihin ang lahat. Gusto ko munang makapag-isip-isip, dahil mabilis ang mga nangyayari. Kaya pinili kong manahimik muna, at hayaan ang aking sarili.“It’s already late,” wika ni Darius.Natawa naman ako nang mahina, at hinayaan ang malamig na hangin na humaplos sa aking balat. Napatingin ako sa langit, at hindi maiwasang mamangha sa mga bituin na kumikislap, at tila
Last Updated : 2026-01-09 Read more