Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View“Your actions are valid since you’re just being protective of your sister. Normal lang sa ‘yo ang maging doubtful ulit kay Helios, dahil nga sa nangyari noon. Pero proud ako sa ‘yo, dahil kahit naulit ‘yon, nagawa mo pa ring bigyan ulit ng chance si Helios para patunayan ang sarili niya, and that’s make you grow.”Napalunok ako. Hindi nagsalita, pero ramdam ko ang emosyon nang sabihin ni Mommy ‘yon. Na kahit nasaktan na sila ni Daddy, they chose to understand kuya, o baka naiintindihan lang talaga ni Mommy ‘yon, dahil anak talaga nila si kuya.Since alam kong kilala rin nila si kuya, hindi na nakapagtataka na maiintindihan nila si kuya. At kung sesermunan pa nila si kuya, kahit alam naman na niya, saka natuto na siya, malabong hindi niya ‘yon dinggin.Matapos ang naging usapan nila, nakaidlip ako sa sobrang pagod. Ni hindi ko nga namalayan ang pagdating nina Tita, at Tito.Saka ko lang napagtantong nakahiga na ako sa sofa nang marinig ko ang
Last Updated : 2026-01-30 Read more