Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View Nakangiti lang ako, habang inilalagay ang mga sangkap na kakailanganin para sa paggawa ng empanada.Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit empanada pa ang una kong naisip kung gayon na medyo matrabaho ‘tong gawin.Mula sa paggawa ng pangbalot hanggang sa laman ng empanada, masiyadong matrabaho. Pero ‘to naman ang gusto ko, hindi ba? ‘Yong mapagod ako, at diretsong makatulog na kung sakali man na bumalik.Kaya lang ay medyo naiilang ako sa titig ni Helios. Hindi nga siya nakiaalam sa akin ngayon, at talagang hinayaan ako sa gusto ko. Pero ‘yong titig niya, halos manlambot ako, dahil bawat galaw ko ay tinitingnan talaga niya.Mabuti na lang, dahil nagawa kong magsuot ng roba. Kapag kasi wala, baka kung saan na naman mapunta ‘yong mga mata niya. Baka hindi na pagluluto ang atupagin ko kung sakali man.Bumuga ako ng hangin, at tahimik na ipinagpatuloy ang paggawa nang apat na piraso ng empanada. ‘Yong mga natira, ire-ref ko na lang, at lulut
Terakhir Diperbarui : 2025-10-10 Baca selengkapnya