Angel's POVHINDI malinaw sa aking isip ang mga bagay na nangyari, ngunit isa lang ang alam ko, dahil sa mga Grayson, tuluyan akong naulila.Malamig ang paligid, kasalukuyang nakaluhod ang aking ina sa harapan ng puntod ng aking ama. Ang sabi niya sa akin, tatlong taong gulang palang ako nang mawala ang aking ama, ngunit dahil sa pag-aalaga sa akin ni nanay, hindi ko naramdaman ang kakulangan sa pagmamahal.Pero sino nga ba ang mag-aakala na dahil lang sa isang pangyayari, magbabago ang aking buhay."Anak, saan mo gusto kumain?" tanong sa akin ni nanay nang matapos siyang magdasal sa harapan ng puntod.Ang inosenteng bata na ako ay matipid na ngumiti, saka tumango."Sa favorite restaurant po natin, nanay!" masaya kong tugon sa kanya.Hindi ko alam na dahil sa inosenteng request kong iyon, ito na pala ang huling pagkakataon na makakasama ko siyang kumain.Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa aking isip ang huling ngiti na pinakita sa akin ni nanay. Ang huling init ng kanyang daliri nang h
Last Updated : 2025-10-03 Read more