Tahimik pa rin kaming nakahiga, at halos makatulog na ulit ako sa dibdib niya nang biglang tumunog ang cellphone ni Drayce sa nightstand. Pareho kaming napatingin doon.Kinuha niya iyon, at sa nakita niyang pangalan sa screen, agad kong napansin ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon niya—parang naging mas seryoso, mas alerto.“Who is it?” tanong ko, medyo nag-aalangan.“Business,” tipid niyang sagot, bago sinagot ang tawag. “Yes?”Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang tono niya. Malamig. Matigas. “When?… How the hell did that happen?” Saglit siyang tumingin sa akin, tapos bumalik sa kausap niya. “No, keep them there. I’ll be on my way.”Pagkababa niya ng tawag, bumangon siya mula sa kama, nagsimulang magbihis nang walang pasabi.“Drayce, ano ‘yon?” tanong ko, pilit hinahabol ang tingin niya.“Something came up,” malamig niyang tugon habang isinasara ang butones ng polo niya. “May nangyaring hindi dapat mangyari sa isa sa mga proyekto ko. Kailangan kong puntahan.”Tumayo rin ako, a
Last Updated : 2025-08-12 Read more