Pagkatapos magpaalam ni Knight dahil may importante daw itong pupuntahan ay magiliw na nakipaglaro si Eleanor kay Lexus. Nasa garden sila ngayon, naglalaro ng bola nang biglang lumapit si Manang Paula. "Ma'am Eleanor," tawag nito. "Yes po?" tanong naman niya. "Lalabas po muna ako, at marerefill ako ng stocks natin sa kusina." paalam nito. Tumango naman si Eleanor at inabutan ito ng cash. Sandaling lumapit si Lexus sa kanila, "Nana, can you buy me an ice cream?" parang naglalambing na tanong nito. "Yis obcors, anak." pilit na sagot nito sa english. Bahagya pa tuloy napangiti si Eleanor. "Oh siya, siya. Aalis na po ako," paalam pa muli ni Manang Paula. Si Eleanor naman ay lumapit muna sa table sa garden nila para kunin ang pamunas, muli siyang lumapit kay Lexus para punasan ang mga pawis nito. Ilang sandali pa nang lumapit naman ang guard ng gate nila, "Ma'am may bisita po si Sir Knight, papasukin ko po ba?" napaangat ng tingin si Eleanor. Kunot ang noo niya, sin
Terakhir Diperbarui : 2025-11-07 Baca selengkapnya