CHAPTER 112 NAPATAYO si Clarissa nang makilala ang pumasok sa Conference Room. May malaking kliyente ang Samson Land Inc., at bilang Executive Vice President for Bussiness Development and Strategy, naroon siya kasama ang Daddy niya para sa pinakamalaking Proyekto ng Samson Land Inc., ngayong at sa susunod na dalawang taon. Matamis na nginitian siya ni Silver bago ito nakipagkamay sa Daddy niya.“Welcome, Miss Yuma.” “Please call me Silver, Sir.” Kapagkuwan ay lumapit naman sa kanya ang babae. Sa halip na makipagkamay ay bineso siya nito. Nasa ganon silang pwesto nang bumukas muli ang pinto ng conference room. Hindi na siya nagulat nang makita si Ahmed. If there’s Silver, there’s Ahmed!Malamig ang tingin nito nang magtama ang kanilang mga mata. Kulang na lang ay umismid nang mapagmasdan sila ni Silver. “Mr. Haddad,” pormal na bati ng Daddy niya sabay lahad ng kamay.“Just Ahmed, Sir.” It was Clarissa’s turn to scrunched her nose. Pati sa pagiging kaswal ay ‘partner’ pa ang dal
최신 업데이트 : 2025-11-27 더 보기