CHAPTER 133 AMOY NG OSPITALang sumalubong kay Clarissa nang magising ang diwa niya. Rumagasa sa kanyang utak ang nangyari.Dumiin ang pagkakahawak niya sa kumot. Takot siya na imulat ang mga mata dahil baka kapag ginawa niya iyon ay masaktan lamang siya. “Ri?” boses ng Mommy niya, napansin na gising na siya. “Anak, gising ka na.”Naging mariin ang kanyang pagpikit. Napaluha na nang tuluyan. “Anak, may masakit ba sa ‘yo? Tell me. Paul, Ri is crying.”Nauwi sa paghikbi ang kanyang iyak. “Ri, open your eyes. What’s wrong? May masakit ba sa ‘yo?”Matigas siyang umiling. Narinig niya ang pagbukas ng pinto at nagmamadaling yabag. Kasunod ay ang mainit na pamilyar na mga kamay na humawak sa kanya. “Love, Ri. Open your eyes, please,” puno ng pagsusumamo ang namamaos na boses na iyon. Wala ang boses na iyon noong unang beses siyang nakunan. Hinihintay niya noon ang boses ni Ahmed. Walang dumating. Mag-isa niyang dinala ang lahat.“Ri, open your eyes please. For our baby. Please open you
Last Updated : 2025-12-08 Read more