CHAPTER 127BUMALIK na sila sa siyudad. Hindi na nabawi ni Clarissa ang sinabi dahil ang saya-saya na ni Ahmed. Diretso agad sila sa Philippines Sports Arena para sa National Competition ni Marih. Sa locker room, malaki ang ngiti na nanakbo patungo sa kanila ang bata.“Mama, may baby brother na po ako sa loob ng tiyan mo sabi ni Daddy? Magkaka-baby brother na po ako! Yes! Yes!” Humalakhak si Ahmed habang siya naman ay lihim na napangiwi. “Mama’s tummy will be big. You will see your brother in 9 months.”“Wow! Mama, pahawak ako ng tiyan mo po.” Dinama ni Mihrimah ang impis niyang pang puson. Si Ahmed naman ay na-squat at inilapat ang tainga roon. Nanubig ang kanyang mga mata. Kinakain na siya ng kanyang konsensya dahil hindi naman talaga totoo na buntis siya.“Hala!, bakit ka umiiyak po?” Nag-angat na rin ng tingin si Ahmed. Tumayo at pinunasan ang kanyang mga mata. “She’s emotional, Jamilati. Pregnant Mommies are always emotional.”“Mama, huwag ka na po ng umiyak. Dapat masaya
Last Updated : 2025-12-06 Read more