“Dito na lang ako, Dos. Huwag mo na akong samahan sa taas,” mahinahon niyang sabi. “Are you sure?” “She’s sure she doesn’t need you anymore,” aroganteng sagot ni Altero. Mukhang sisinghal din si Dos kaya inunahan niya na. “Sige na, Dos. Salamat sa paghatid.” Atubili pa ang pinsan niya nang bumalik sa sasakyan. Bago umalis ay ibinaba pa ang bintana. “Call me if you need anything,” anito. Kapagkuwan, ay matalim na binigyan ng tingin si Altero. “If you hurt even one strand of her hair, I will f ucking hunt your head.” Hinawakan niya na si Altero sa braso at kinaladkad palayo para hindi na ito makasagot pa. “It’s already past twelve and you just got home? May pasok ka pa bukas,” wika ni Altero sa mababang tinig. Hindi galit, ngunit alam niyang hindi rin kalmado. “Saan ka pumunta? I tried calling you and—” Hindi nito itinuloy ang sinasabi nang humikab siya. Gayunpaman ay nagsalubong ang mga kilay nito. Impit na tumili si Mihrimah nang bigla na lang siyang buhatin ni Altero.
Última actualización : 2026-01-04 Leer más