Eksaktong pagbalik nila sa longue ay nag-aanunsyo na ang emcee ng unang presentasyon ng mga estudyante ng Northshire Academy. “Susunduin sana kita. I was worried.” Inabot ni Altero ang kanyang baywang.“Nakita ko kasi si Tita Lia,” wika niya at itinuro ang Ginang. Agad naman nakuha ng mabait na Tiyahin ang kagustuhan niyang huwag ng banggitin ang tungkol kay Faustina.“Yes! We had so many ‘chika’. Hanggang ngayon hindi pa natutuloy ang dinner date natin. Nagtatampo na ako, Iho.” “Bukas ng gabi. Pwede kami,” sabi niya. Altero groaned. “Little Lamb, we’re going to Batangas.” “Pwede naman next time na lang. Sige na,” lambing niya sa asawa. Kinurap-kurapan niya ito ng mata.“Your puppy eyes are illegal, Mrs. Altero Del Harrio,” strikto nitong sabi na ikinatawa niya. Isinandig niya ang sarili sa braso nito. Kusa naman yumuko si Altero para maabot ng labi nito ang kanyang noo. “Ah!, Young Love. How I love a young love,” Tita Lia said dreamily. “It’s settled then. Ako na ang magpapa-r
Last Updated : 2026-01-16 Read more