[ALTERO] WALANG NAGAWA si Altero kundi sundan na lang ng tingin si Mihrimah Haddad. Ang babaeng ilang taon nawala sa buhay niya ngunit para itong multo na dumadalaw ang mga alaala kahit sa panaginip niya. Ngunit hanggang doon lang ang pwede. Sa panaginip niya, sa imahinasyon, sa mga alaala. Tanggap niya na may iba na itong buhay. Na kailangan na nilang iwan ang nakaraan. For the past three years, Altero slowly made peace with himself. Nag-therapy siya para sa galit niya, sa guilt ng pagkawala ng anak, sa pagkagusto niya kay Mihrimah. Hindi pwedeng galit siya kay Mihrimah at gusto niya ito para sa sarili niya. His therapist said it was toxic. Kung ipipilit niya, ay masasaktan niya ng lubos si Marih.Ayaw niyang mangyari iyon kaya tanggap niya na, na tapos na sila ni Mihrimah. Ang nakaraan ay mananatili na lamang mga alaala.“Sir, this is Miss Marih’s report,” wika ng sekretarya niya matapos papirmahan ang iba pang mga dokumento. “Why, where is she?” “Kausap po si Mrs. Haddad s
Last Updated : 2026-01-29 Read more