Umaga pa lang, ramdam na ni Isobel ang kakaibang tingin ng mga tao sa kanya. Habang naglalakad siya papunta sa main building, halos lahat ng estudyante ay may hawak na cellphone, nagbubulungan, at minsan pa ay napapatingin sa kanya, sabay takpan ang bibig.May isa pa nga na nagsabing, “Siya ‘yun, diba? ‘Yung student na may jowa raw na professor?”Ang isa naman ay sumagot ng, “Oo, nakita ko ‘yung picture kagabi. Grabe, totoo pala.”Napahinto siya. Parang biglang nanlamig ang paligid. Picture? Anong picture?Hindi na siya nakagalaw. Napalunok siya, at marahang hinugot ang cellphone mula sa bag. Doon niya nakita ang mga message notifications na halos magkalunod-lunod.“Isobel, nakita mo na ba?” – from Krisha“Girl, delete mo agad kung may ganung pic. Nasa GC ‘to!” – from Ana“Please answer me, sobrang grabe‘to.” – from AdrianKinabahan siya. Binuksan niya ang messenger, at halos mahulog ang cellphone niya nang makita ang mga pictures.Siya at si Leandro — magkasama sa kotse, nakangiti, m
Last Updated : 2025-12-08 Read more