KAHIT LASING na si Flint ay nagawa pa rin niyang magmaneho pauwi. Malalim na ang gabi at ayaw na sana siyang payagan ni Jared dahil nga lasing na siya at delikado, pero nagpumilit pa rin siya.Hindi kasi siya sanay na natutulog sa ibang bahay, lalo na ang matulog sa hindi naman niya sariling silid.Halos anim na oras din silang nag-inuman ng kaibigan, nakaapat na bote pa nga sila ng whisky dahil sa haba ng kanilang pinag-usapan.Medyo nahihilo na siya pero kaya pa niyang dalhin ang sarili. Ligtas naman siyang nakarating ng bahay. Pagdating niya ay agad siyang sinalubong ni Manang Feli.“Good evening, Sir. Ipaghahanda ko pa po ba kayo ng makakain?” magalang na tanong nito.“No need, Manang Feli. Kumain na ako roon sa bahay ng kaibigan ko. Si Xyza, pinakain niyo po ba?” tanong niya.“Ayaw niya pong kumain Sir, eh. Kahit na anong pilit namin. At saka, parang matagal na siyang umiiyak kanina nung madatnan ko siya sa silid niya, kasi, magang-maga na iyong mga mata niya, eh,” sagot nito.“
WALANG IDEYA si Xyza kung ilang oras na siyang nakadapa sa kama habang umiiyak. Parang wala siyang balak na umalis sa ganoong posisyon.Kanina lang ay masaya-masaya siya dahil sa wakas, ay natakasan niya ang strikto at pakialamerong kapatid, hindi alintana kung magalit man ito kapag natuklasang tumakas siya para lamang makalabas ng bahay.Kahit na nagkaroon man sila ng kaunting kaguluhan kanina ng kanyang mga kasama, ay hindi iyon nakaapekto sa kasiyahan niya dahil nagkaayos naman kaagad sila, dahil sa paghingi ng pasensiya ni Andro sa ginawa nito sa kanya. Kapag talaga magkasama sa iisang grupo sina Lance at Andro, ay palaging nag-aaway ang dalawa dahil sa kanya.Iyon nga lang, mas pinili na lang niyang maagang magpahatid pauwi kanina sa mga ito dahil na rin sa dami ng mga pinamili niya. Isusukat pa kasi niya pagdating ang mga damit.Ni hindi man lang pumasok sa isipan niya kanina na baka hinahanap na siya ni Flint at ng mga kasambahay dahil nga tumakas lang siya. Wala siyang ibang n
“SO, ANO ANG PROBLEMA ng isang Flint Atlas Martinez at napasugod ka rito ng wala sa oras?” tanong sa kanya ni Jared.Naroroon sila sa gilid ng swimming pool sa harapan ng bahay nito, magkaharap silang nakaupo sa isang maliit na lamesa at umiinom ng tig-isang baso ng whisky, habang nasa harapan nila sa gitna ang bote niyon.“Kilala kita, bro. Hindi mo basta-basta iniiwan ang trabaho mo kung wala kang mabigat na dahilan. At hindi ka rin basta-basta lumulusob dito ng wala kang malaking problema,” muling sambit ni Jared, pagkatapos ay kinuha nito ang baso at sumimsim ng alak.“So, tell me? Ano ang problema mo?” muling tanong nito sabay baba ng baso sa lamesa.Siya naman ang sumimsim ng alak, pagkatapos ay ibinaba muna niya ang baso bago ito sinagot.“Muntik na ‘kong makagawa ng hindi maganda sa bago kong kapatid,” panimula niya.“You mean, si Xyza? Bakit?” kunot-noo nitong tanong.Alam nito ang bawat takbo at pangyayari sa kanyang pamilya dahil lahat ay sinasabi niya rito.Alam nitong pina
“KUYA FLINT! Please! Please…I-Im…I-Im…b-begging you…k-kuya…” umiiyak na sambit ni Xyza. Hindi na rin ito nagpumiglas pa, tila naubusan na ng lakas.At doon na siya natauhan.Mabilis siyang umalis sa ibabaw nito.Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang siya nito tinawag ng ‘kuya’ na tunog totoo at walang halong panunuya. Dahil sa ginawa nito ay bigla siyang natauhan, na siyang laking pasasalamat niya dahil hindi niya naituloy ang nais niyang gawin.Patuloy pa rin ito sa pag-iyak habang malakas na humihikbi, nakadapa sa kama at wala nang damit pang-itaas, tanging bra na lamang ang naiwan. Nasa paanan nito ang punit-punit na maikling damit na suot nito kanina dahil pwersahan niya iyong tinanggal, dahilan para masira iyon. Nang akmang tatanggalin na niya ang suot nitong pang-ibaba kanina, ay doon na ito nagmakaawa. Nakaramdam siya ng konsensiya, marahil ay natakot ito ng sobra sa pagtangkang makuha niya ang kainosentehan nito sa ganoong paraan.Naihilamos na lang niya ang mga palad sa
“NAKITA kita sa restaurant kasama ang mga kaibigan mo. Kaibigan mong may masamang intensyon sa ‘yo!” mariing sambit ni Flint kay Xyza, may halong panggigigil.“Paanong—?”“Nakita ko kayo mismo ng dalawa kong mga mata. Wala naman akong ibang gustong marinig mula sa ‘yo kundi ang katotohanan, pero sadyang pinaninindigan mo talaga ang magsinungaling,” seryoso niyang sambit.“Dahil sa ginawa mong ‘yan, hindi puwedeng walang kapalit. Kukunin ko ang credit card na ibinigay sa ‘yo ni Daddy. At ako na ang magbibigay ng pera sa ‘yo kung kinakailangan. Dahil lahat ng needs and necessities mo para sa sarili mo ay ipo-provide ko na, kaya hindi mo na kailangan pang humawak ng credit card na may lamang malaking halaga,” dugtong pa niya.“But—”“No buts, Xyza!” hindi mapigilang sigaw niya rito.“No!” sambit nito kasabay ng pagpupumiglas sa pagkakahawak niya ng mahigpit sa braso nito. Pero bigo itong makawala sa malakas niyang pagkakahawak.“At ilang beses ko nang sinabi sa ‘yo na hindi ka na dapat na
NAISIPAN ni flint na dumaan sa isang restaurant na nakita niya, para kasing bigla siyang nag-crave ng spaghetti at mojus na paborito niyang bilhin doon. Maswerte namang nakakita siya ng space sa parking area ng nasabing restaurant sa unahan mismo nito.Ngunit hindi kaagad siya nakababa ng sasakyan ng mamataan sa loob ang isang pamilyar na tao, si Xyza, may kasama itong isang babae at dalawang lalaki. Kita niya iyon mula sa labas ng salaming dingding ng restaurant.Napakunot siya ng noo. Hindi siya puwedeng magkamali, si Xyza iyon. Pero paano? Paanong nakalabas ito ng bahay?Napatiim-bagang siya nang maisip na tumakas ito ng madaling araw para hindi sila magpang-abot. Ang galing naman talaga ng diskarte nito.Pero naningkit ang mga mata niya at naikuyom ang mga kamao nung makitang umupo sa tabi nito ang isang kasamahang lalaki at yumakap sa maliit at makurbang baywang ni Xyza, na ngayon ay nakasuot na naman ng crop top.Sa paraan ng pagyakap at mga tingin pa lang ng lalaki kay Xyza, ay