“MERRY, pakipuntahan mo naman si Xyza sa kanyang silid, sabihin mong kakain na,” kalmadong utos niya sa isang katulong.Agad naman itong sumunod. “Sige po, Sir,” sagot nito.Nakahanda na kasi ang hapunan, at mukhang walang balak na bumaba si Xyza kahit na alam naman nito ang kadalasan na oras ng kanilang pagkain sa gabi, kaya nagdesisyon siyang papuntahan ito sa katulong.Ilang saglit lang ay bumalik na sa kusina ang katulong, pero hindi niya nakitang nakasunod dito si Xyza.“Si Xyza?” tanong niya rito pagkalapit na pagkalapit nito.“Magpapahatid na lang daw po siya roon ng pagkain, Sir. Ayaw niya raw pong bumaba, doon niya raw gustong kumain sa kanyang kwarto,” sagot ng katulong.“What? No! Hindi mo siya dadalhan doon ng pagkain! Kailangan niyang bumaba rito dahil ito ang tamang lugar para sa pagkain, hindi roon sa silid,” mariing sambit niya.“P-pero, Sir, baka po magalit si Ma’am Xyza sa ‘kin, hihintayin niya raw po na ihatid ko ang pagkain niya roon. Baka po awayin o tarayan niya n
Terakhir Diperbarui : 2025-08-14 Baca selengkapnya