Pagpasok nila sa maluwang na living room, parang level up na naman ang ganda ng paligid. Ang sahig ay gawa sa malalaking puting tiles na may eleganteng design, at halos wala kang makitang pagitan sa pagkakadikit, sobrang pulido ng gawa. Sa gitna ng sala, may nakasabit na napakalaking chandelier galing Italy, kumikislap na parang bituin. Ang ilaw nito ay tumatama sa detalyadong design ng dingding kung saan may nakaukit na mga eleganteng crane na parang buhay.Hinila ni Lola Nena si Harmony papunta sa sofa at pinaupo. Sa mesa, nakapatong ang maraming kahon ng iba’t ibang laki, at isa-isa itong binuksan ni Lola Nena.“Ito galing Lyon, maliit na Little Prince figurine. Ito naman, coin souvenir from Notre Dame sa Paris. Ito, guard hat from London, cute ‘di ba? Kaya binili ko. Tapos may chocolates na sobrang sarap, at ito, perfume from Germany. At eto pa, keychain na galing Disneyland sa L.A…”Sa isang iglap, halos matabunan na si Harmony ng sandamakmak na gift boxes sa harap niya.Harmo
Baca selengkapnya