NAPAPIKIT siya nang mariin nang marinig ang boses nito. Pilit niyang pinabilis ang lakad pero mas malalaki ang hakbang ng binata. Mabilis na humarang ang binata sa harap niya, hinahabol pa nito ang hininga, ang mga mata ay punong-puno ng emosyon ng pagsusumamo. "Please... Apple Pie, just stay for tonight," pakiusap nito, mababa ang boses pero nanginginig. "Bukas, hindi na kita guguluhin. You can go, I'll let you go... pero ngayong gabi, please... just tonight." Napailing si Eva, pilit na nilalakasan ang loob. "Big Boy, huwag mong gawing mas mahirap 'to." Lumapit siya, halos magdikit na ang kanilang mga mukha. "I just want to hug you," bulong nito, at doon niya nakita-hindi galit, hindi yabang-kundi yung sakit at takot na mawala siya. Kinagat niya ang dila niya para hindi siya maiyak. "Big Boy..." Pero bago pa siya makatanggi, marahan siyang hinila ni Gideon papasok sa mainit at mahigpit na yakap. Hindi iyon kagaya ng mga yakapan nila sa kama o sa dance floor. Ito ay yakap na
최신 업데이트 : 2025-11-29 더 보기