GUSTO NIYANG TUMAKBO pero parang nasimento siya sa kinatatayuan. Nagpupuyos ang damdamin nila pareho. Alam nilang parehong mali pero ito ang pinakamasarap na pagkakasala. Nagtagal ang halik — hindi marahas, pero mabigat. Para bang lahat ng hindi nila masabi ay naipasa sa pagitan ng kanilang mga labi. Nang kumalas si Gideon, pareho silang humihingal. “Gideon…” mahina ang boses ni Eva, halos pakiusap. “Bakit mo ginagawa ‘to?” “Because I can’t lose you the way I lost her.” Diretsong sagot niya, walang alinlangan. “Hindi mo alam kung gaano ko kinatakutan na bumalik siya. I thought… baka mawala ka rin sa’kin.” Napayuko si Eva. Ramdam niya ang panginginig ng boses nito — halong takot, selos, at pagsisisi. Marahan niyang hinawakan ang kamay ni Gideon, pinisil iyon. “Hindi ako si Carla,” mahinang sabi niya. “Hindi ako aalis kahit mahirap. Pero kailangan mong pagkatiwalaan ako.” Tahimik lang si Gideon. Dahan-dahan niyang isinandal ang noo sa noo ni Eva, at napapikit. “I’m sorry. I’m still
Last Updated : 2025-11-04 Read more