NAIWAN sina Gideon at Eva sa boardroom. Tahimik lang si Eva habang pinupulot niya ang mga papel at ini-shut down ang projector. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa amo sa sinabi nito sa kanya. Hanggang si Gideon na ang bumasag ng katahimikan. “Good job,” aniya, “your timing on the slides was flawless. You made me look better.” “Sir,” sagot ni Eva na pormal ang tono, “that’s literally my job.” Lumakad si Gideon ng mas malapit sa kanya, nakasiksik ang kamay sa bulsa ng slacks niya and his expression is unreadable. “Hm. Still… I like the way you do it.” Bahagya siyang yumuko, mababa ang boses. “Efficient. Sharp. Gorgeous.” Napairap si Eva, tumalikod para ayusin ang laptop cord. “Last word was unnecessary, boss.” “True,” mabilis na tugon ni Gideon at unti-unting nilalapit ang sarili. “But very accurate.” Bumuntong-hininga si Eva at hinarap siya, tuwid ang tindig, pilit nananatiling professional. “Sir, we’re still in the office.” Ngumisi si Gideon, isang mapanganib na
Last Updated : 2025-09-06 Read more