CONTINUATION OF ALLISON P.O.V Linakasan ko ang loob ko at muling bumalik sa table namin. Sinalubong ako ng nakakabighaning ngiti ng babae kaya napilitan akong ngitian rin siya pabalik. "Para sa akin ba yan?" Nakangiting tanong ng lalaking nakaupo sa isang upuan malapit sa amin.Agad akong napatingin doon at literal na nanlaki ang mga mata ko. "G-greg?" Nagtatakang tawag ko sa pangalan niya. Hindi ko kasi akalain na makikita ko siya dito, akala ko ba ay may babae siyang pupuntahan? "Kumuha ka ng pagkain mo dun, ungas ka!" mabilis na sabi ni Dwayne at inagaw ang pagkain ko. Nilagay niya ito sa upuan ko at sinenyasan ako na umupo. "Ang damot mo na sakin ah!" nakabusangot na sabi ni Greg at mabilis na umalis , marahil ay kukuha ng pagkain. Naiwan akong nakatunganga habang nakatingin sa babaeng kanina pa nakangiti sa akin ng malapad. Para siyang manika, ang ganda niya. "Ate Rebecca, si Allison nga pala- Personal Assistant ko." pagpapakilala sakin ni Dwayne .Hindi ko tuloy alam kung ka
Last Updated : 2025-12-04 Read more